Nawawalang lalaki, natagpuang patay sa ilog sa Zambales

0

ZAMBALES, Philippines - Natagpuan ang bangkay ng isang lalaking naunang naiulat na nawawala sa Castillejos, Zambales noong Huwebes. Kinilala ang biktima na si Eddie Garcia Bonus, na iniulat na nawawala sa Barangay Balaybay at pinaniniwalaang nalunod. Ayon sa pulisya, natagpuan ang kanyang bangkay bandang 5:00 p.m. sa Burgos River sa Barangay Angeles. Isang 14-anyos na residente ang nakakita sa bangkay at agad...

8 utas, libo-libo pasahero stranded sa pag-ulan sa Japan

0

CHIBA, Japan - Nagdulot ng record na pag-ulan sa Japan ng matinding pagbaha sa Chiba Prefecture, na nag-iwan ng walong patay at nagpa-stranded sa libo-libong pasahero sa Narita Airport malapit sa Tokyo. Mahigit 360 millimeters ng ulan ang bumagsak sa loob ng 24 oras sa ilang bahagi ng Chiba, dahilan ng pagbaha sa mga kalsada at riles. Nagpadala rin ng...

Dating beauty queen, 5 iba pa, nasagip ng NBI sa human trafficking group sa Makati

0

MANILA, Philippines - Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating beauty queen at limang babaeng Ruso mula sa hinihinalang human trafficking group sa isang operasyon sa Makati City noong Huwebes. Ayon sa NBI, isinagawa ng International Operations Division (IOD) ang operasyon madaling-araw, na nagresulta sa pagsagip sa anim na babae at pagkakaaresto ng isang lalaking suspek. Ayon sa...

Siyensa, disiplina kailangan vs Baha – solon

0

MANILA, Philippines - Nanawagan si Parañaque Rep. Brian Raymund Yamsuan na pagsabayin ang pangmadalian at pangmatagalang solusyon sa problema ng pagbaha sa bansa, at tiyaking nakabatay ang mga ito sa siyensiya. Ayon kay Yamsuan, mahalaga ang mga agarang hakbang tulad ng backhoes, mobile pumping stations, at dredging upang linisin ang mga estero at kanal. Ngunit sinabi niyang ang pangmatagalang solusyon...

Alice Guo, may bagong warrant sa 3 kaso ng graft

0

MANILA, Philippines - Sinilbihan si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng panibagong warrant of arrest kaugnay ng tatlong kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019). Ayon sa Pasig Regional Trial Court Branch 67, kasama sa mga kaso ang 11 iba pang akusado. Itinakda ng korte ang piyansang ₱90,000 bawat bilang ng kaso. Kasalukuyang nakakulong si Guo...

Kaso ng DILG Usec, ibinasura ng Sandiganbayan

0

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang kasong graft laban kay Interior Undersecretary Jed Patrick Mabilog dahil sa “inordinate delay” o labis na pagkaantala sa paghahain ng kaso. Pinaboran ng korte ang motion to quash ni Mabilog na inihain noong Oktubre 10, 2024. Ayon sa desisyon, tumagal ng mahigit pitong taon bago naisampa ng mga prosecutor ng Office...

Nakaupong VP, ‘di maaaring kasuhan sa regular na hukuman – Kampo ni VP Sara

0

MANILA, Philippines - Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na hindi maaaring kasuhan sa regular na hukuman ang isang nakaupong Bise Presidente habang siya ay nasa puwesto, kaya humiling sila ng oral arguments sa kanilang motion to quash sa mga kasong grave threats na isinampa laban sa kanya sa Quezon City Regional Trial Court. Ayon kay Atty. Paul...

Affidavit ihahanda vs pagbawi ng pahayag ng “maleta boys”

0

MANILA, Phillipines - Sinabi ni Atty. Levito Baligod, abogado ng natitirang mga tinaguriang “maleta boys,” na maghahanda siya ng affidavit upang pabulaanan ang pahayag ng apat na kasamahan nilang bumawi sa kanilang mga naunang salaysay laban kina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Baligod, inimbitahan siya ng Office...

Libreng digital textbooks, Wi-Fi, itinutulak sa mga kolehiyo

0

MANILA, Philippines - Binigyang-diin ni House Speaker Bojie Dy ang malaking benepisyo sa edukasyon ng House Bill No. 9532 o “Universal Access to Digital Academic Learning Resources Act,” matapos itong maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara. Kapag naisabatas, magbibigay ang panukala ng libreng digital textbooks at iba pang academic resources, gayundin ng libreng high-speed Wi-Fi sa mga campus...

PCIC naghahanda ng P36M ayuda para sa mga magsasakang sinalanta ng bagyo

0

MANILA, Philippines - Sinabi ng Philippine Crop Insurance Corp.  (PCIC) na naghahanda na sila ng P36 milyon na insurance payout para sa 5,005 magsasaka na ang mga insured na sakahan ay napinsala ng mga Bagyong Luis at Maymay, gayundin ng habagat, mula Agosto 1 hanggang 11. Sa kanyang inisyal na ulat kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., sinabi...