Praktis ‘pag may active shooter sa iskul, isasagawa ng DepEd

0

MANILA, Philippines — Ilulunsad ng Department of Education ang active shooter drills sa mga pampublikong paaralan bilang bahagi ng mga hakbang para palakasin ang kaligtasan ng mga mag-aaral kasunod ng mga insidente ng karahasan sa paaralan, kabilang ang madugong pamamaril sa Tacloban City. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang inisyatiba ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos...

Baligod, Defensor, 4 pa kinasuhan ni Tulfo vs maleta claims

0

MANILA, Philippines — Naghain nitong Miyerkoles si Senator Erwin Tulfo ng panibagong criminal complaints laban kay lawyer Levito Baligod, dating congressman Mike Defensor, at apat pang iba dahil sa umano’y mapanirang pahayag na nag-uugnay sa kanya sa sinasabing deliveries ng “maletas” o maleta ng pera mula sa government-funded projects. Inihain ni Tulfo ang complaint-affidavit sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office laban...

Arroyo, tututol kung totoo impeachment vs Ombudsman Remulla

0

MANILA, Philippines - Sinabi ni dating Pangulo at Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo nitong Miyerkoles na boboto siya laban sa anumang impeachment complaint na maaaring ihain laban kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla. Inilabas ni Arroyo ang pahayag matapos itanggi ng kanyang abogado na si Joseph Frianeza ang mga kumakalat sa social media na inuugnay ang dating Pangulo sa...

VP Sara naki-fiesta habang nagpapatuloy impeachment trial

0

MANILA, Philippines - Dumalo si Vice President Sara Duterte sa 18th Araw ng Bigaan at 65th Patronal Fiesta bilang paggunita sa Mother of Perpetual Help sa Barangay Bigaan, Hinatuan, Surigao del Sur nitong Miyerkoles, kasabay ng ikatlong araw ng pagdinig ng Senate impeachment court sa kanyang impeachment trial. Naglabas ang Office of the Vice President ng mga larawan ng pagbisita...

Excise tax sa LPG, kerosene ibinalik sa pagbaba ng Dubai crude

0

MANILA, Philippines — Ibinalik na sa itinakdang rates sa ilalim ng tax code ang excise taxes sa liquefied petroleum gas at kerosene matapos i-certify ng Department of Energy na bumaba sa $80 kada bariles ang one-month average Dubai crude oil price noong Hunyo. Ang excise tax sa LPG ay balik na sa P3.36 kada kilo, habang ang buwis sa kerosene...

DOH, naka-Code White Alert sa Super Typhoon Inday

0

MANILA, Philippines — Isinailalim ng Department of Health sa Code White Alert ang operasyon nito nitong Martes bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Inday. Sa ilalim ng alert status, sinabi ng DOH na mananatiling naka-24/7 alert ang Operations Center nito upang matiyak ang agarang pagtugon sa mga komunidad na posibleng maapektuhan. Patuloy din umano ang koordinasyon ng ahensya sa...

Presyo ng langis agad sumipa matapos sabihin ni Trump na tapos na ceasefire sa Iran

0

ISTANBUL — Halos 6 porsiyento ang itinaas ng presyo ng langis nitong Miyerkoles matapos sabihin ni US President Donald Trump na “over” na ang ceasefire ng US sa Iran, dahilan upang lumakas ang pangamba sa panibagong sigalot at posibleng aberya sa suplay ng langis sa Middle East. Umakyat ng 5.95 porsiyento sa USD 78.50 kada bariles ang international benchmark Brent...

Depensa ni VP Sara: Kill remark, ‘di patunay na kumuha ng assassin

0

MANILA, Philippines — Iginiit ng defense team ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkoles na ang kontrobersyal na pahayag nito kaugnay ng umano’y pagkuha ng tao para patayin sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Lisa Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez ay hindi patunay na may kinontratang assassin ang Bise Presidente. Ginawa ng abogado ni Duterte na si...

Anunsyo sa taas-sahod sa mga probinsya, abangan sa Setyembre – PBBM

0

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkoles na pinag-aaralan na ng Regional Tripartite Wage Boards ang posibleng dagdag-sahod sa kani-kanilang mga rehiyon, kung saan inaasahang lalabas ang mga rekomendasyon sa Setyembre o Oktubre. Sa ambush interview sa Pulilan, Bulacan, sinabi ni Marcos na sinusuri ng mga wage board ang presyo ng mga bilihin at kalagayang...

P15-M lotto jackpot, nasolo

0

MANILA, Philippines — Isang bettor ang nanalo ng ₱15-milyong jackpot prize sa MegaLotto 6/45 draw nitong Miyerkoles, Hulyo 8, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang winning combination sa MegaLotto 6/45 ay 13-05-30-25-22-11, na natumbok ng isang ticket holder. Samantala, walang nanalo sa jackpot ng Grand Lotto 6/55 na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱66.67 milyon. Ang lumabas na winning combination sa...