2 kelot timbog sa buy-bust ops sa Ilocos
ILOCOS NORTE, Philippines - Swak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa Laoag City ng lalawigang ito nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 12. Sa ipinadalang report ng Laoag City Police Station sa Police Regional Officce (PRO1), ang mga naarestong suspek ay edad 22 at 35 na naninirahan sa Laoag City,...
PBBM, walang alam sa ‘leadership fund’ — Malakanyang
MANILA, Philippines - Walang alam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibinunyag ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Manuel Bonoan na bawat senador na may committee chairmanship ay tumatanggap ng tinatawag na “DPWH leadership fund” na umaabot hanggang P1 bilyon, habang ang karaniwang alokasyon sa bawat senador ay P500 milyon. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO)...
BOC-Port of Manila nakalikom ng P4.75M sa public auction
MANILA, Philippines — TINATAYANG nasa ₱4.749 milyon ang nalikom ng Bureau of Customs–Port of Manila (BOC-POM) mula sa dalawang public auction na isinagawa nitong Hulyo 2026. Ayon sa BOC, isinagawa ang mga auction sa pangunguna ng Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) bilang bahagi ng transparent at maayos na disposisyon ng mga nasamsam at forfeited na produkto, habang nakapagbibigay din...
Panukalang pagpapalawak ng mga kampus ng SUC sa buong bansa, inaprubahan ng Kamara
MANILA, Philippines - Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang walong panukalang batas na naglalayong palawakin ang pampublikong edukasyon sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagtatatag o pagpapalit ng 13 regular na kampus ng mga state university and college (SUC) sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ayon kay House Committee on Higher and Technical Education Chairperson at TINGOG...
Malakanyang sa 2028 elections: Maging mapanuri sa survey, ebidensiya
MANILA, Philippines - Hinikayat ng Malakanyang ang mga filipino na tingnan ang katotohanan at lahat ng available na ebidensiya sa pag-assess ng political developments, matapos mapaulat na halos dikit ang nakuhang numero ng tambalang Naga City Mayor Leni Robredo at Sen. Raffy Tulfo at tambalang Vice President Sara Duterte at Sen. Imee Marcos sa isinagawang hypothetical 2028 election match-up...
20 arestado sa online scam syndicate sa Pasay
MANILA, Philippines - Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 20 katao, kabilang ang dalawang dayuhan, sa isang operasyon laban sa umano’y online fraud syndicate sa Pasay City. Ayon sa NBI, sangkot ang grupo sa love scam, cryptocurrency investment fraud, at “pig butchering” scheme, kung saan unti-unting kinukuha ang malaking halaga ng pera mula sa mga biktima. Isinagawa ang entrapment...
Sandamakmak na basura sa Baclaran-Redemptorist Water Channel, nalimas nang lahat
MANILA, Philippines - Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Parañaque nitong nakaraang Huwebes na sa loob ng apat na araw ng puspusang paglilinis ay nahakot na ang lahat ng basurang naipon sa Baclaran-Redemptorist Water Channel na inanod umano mula sa mga karatig-lungsod at lalawigan bunsod ng pananalasa ng hangging Habagat. Ito ang pahayag ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez...
18-anyos stude, nasawi matapos mahulog mula sa ika-10 palapag sa Malate
MANILA, Philippines - Patay ang isang 18-anyos na babaeng estudyante matapos mahulog mula sa ledge ng ika-10 palapag ng isang gusali katabi ng Enrique Razon Sports Complex sa Malate, Manila, noong Huwebes, Agosto 13. Nangyari ang insidente bandang 12:57 p.m. sa kanto ng Noli Agno Street at F. Reyes Street, Barangay 708. Ayon sa pulisya, may nag-ulat na isang tao ang...
Pinsala sa agrikultura sa bagyo, habagat, umabot na sa P689.66M
MANILA, Philippines - Umabot na sa ₱689.66 milyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng Tropical Cyclones Luis at Maymay at ng pinalakas na habagat, ayon sa Department of Agriculture (DA). Halos doble ito kumpara sa naunang ulat na ₱347.37 milyon noong Miyerkules. Apektado ang 21,115 magsasaka sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas. Nasira ang humigit-kumulang 17,527...
Heart, aminadong nawasak sa ex; Netizens, may hula kung sino!
Manila, Philippines - Subject ngayon ng mga katikatera at sawsawera ang naging komento ni Heart Evangelista sa segment ng kanyang game show. Tinanong kasi niya ang contestants kung ano ang gagawin nila sa regalong binigay sa ex na hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay. Ang choices ay ipamimigay, ibebenta o kaya'y itatago. May naging rebelasyon naman ang TV host actress tungkol sa...












