Barangay Ginebra taob sa SMB

0

MANILA, Philippines - Tinalo ng San Miguel Beermen ang Barangay Ginebra San Miguel, 131-82, para sa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa PBA Governors' Cup sa Smart Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi. Umasa ang San Miguel sa malakas na 37-13 simula sa unang quarter sa isang makasaysayang gabi para kay Marcio Lassiter nang siya ang naging bagong 3-pt na...

Dragon Boat world meet sasagwan sa Palawan

0

MANILA, Philippines — May pagkakataong sumikat ang mga  junior paddlers ng bansa sa paghohost ng  Pilipinas sa 2024 ICF Dragon Boat World Championships sa Puerto Princesa City sa Palawan sa Oktubre 28 hanggang Nob. 4. Magiging masigasig ang mga lokal habang ang mga Filipino paddlers ay naghahanda na gumawa ng kanilang marka sa internasyonal na entablado. Sa pangunguna sa mga kampeonato, 21 junior...

2 ‘tulak’ swak sa swelda sa P1M tobats

0

LUCENA CITY- Arestado ang tatlong hinihinalang drug traffickers nitong Sabado at Linggo sa buy-bust operations sa mga bayan ng Lopez at Gumaca sa lalawigan ng Quezon. Naresulta ang mga operasyon sa pagkakasamsam ng mahigit P1 milyong halaga ng shabu (crystal meth) sa street market, base kay Quezon police chief Colonel Ledon Monte nitong Linggo. Ayon kay Lopez, nadakip ng police anti-narcotics...

EJ Obiena babalik sa kumpetisyon sa 2025

0

MANILA, Philippines - Sa pagtatapos ng pole vaulting season sa World Athletics Diamond League sa Zurich, Switzerland, si EJ Obiena, na absent dahil sa back injury, ay nagpahayag ng kanyang mga plano para sa pagbabalik sa susunod na taon. “I really would prepare for the indoor season next year. January, February, around late March,” ani ng  world number three. Nagtapos ang...

Paslit patay sa gumuhong bahay!

0

MANILA, Philippines- Patay ang isang dalawang taong gulang na babae nang bumigay umano ang kanilang bahay dahil sa malakas na hangin sa Barangay Taluksangay, Zamboanga City nitong Sabado ng umaga. Base sa lokal na pamahalaan, tinamaan ang bata ng debris. Isinugod ito sa ospital subalit hindi na ito umabot nang buhay. Nagresulta rin ang masamang panahon sa lungsod sa power interruption...

Pagtanggal ng VIIS para sa 2025 elections suportado ng Comelec

0

MANILA, Philippines-Suportado  ng Commission on Elections (Comelec) ang panukala na tanggalin na nila ang tradisyunal na pag-imprenta at pamamahagi ng voters’ information and instruction sheets (VIIS) bilang paghahanda sa 2025 midterm elections. Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na hindi lamang magastos ang pag-imprenta at pamamahagi ng VIIS para sa poll body, kundi maraming rehistradong botante ang talagang nagrereklamo sa...

Tsina nanindigan sa 9-dash line

0

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Tsina sa Estados Unidos na tigilan na ang pakikialam at pagsawsaw sa usapin ng South China Sea. Ang katwiran ng Tsina, mayroon itong solido, makasaysayan at naaayon sa batas na pag-angkin sa pinagtatalunang katubigan. Inihayag ito Chinese Embassy sa Maynila matapos na bansagan ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, bilang pagsuporta sa Pilipinas, ang nine-dash...

Signal No. 1 pinairal sa ilang lugar kay TD Gener

0

MANILA, Philippines- Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa 11 lugar sa Luzon matapos mabuo ng low pressure area sa silangan ng Aurora bilang si Tropical Depression Gener, base sa state weather bureau PAGASA nitong Lunes. Sa 8 a.m. bulletin, sinabi ng PAGASA na nasa ilalim ng TCWS No. 1 ang mga sumusunod na lugar: eastern at...

Sunog sumiklab sa PGH

0

MANILA, Philippines- Sumiklab ang sunog sa Philippine General Hospital sa Ermita, Maynila nitong Lunes ng umaga. Itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang unang alarma ng alas-6:07 ng umaga, at ikalawang alarma pagsapit ng alas-6:21 ng umaga. Naapektuhan sa sunog ang audio visual room ng ospital gayundin ang Out Patient Department (OPD) ng PGH, ayon sa Bureau of Fire Protection. Kinailangang...

Titser, asawa natusta sa sunog  

0

LINGAYEN, Pangasinan- Patay ang mag-asawa sa sunog na tumama sa kanilang bahay sa Barangay Matalava sa lugar na ito nitong Sabado. Kinilala ng mga pulis ang mga biktima na sina Wendy Repato, 35, isang seafarer, at Ronaly de Guzman Repato, 31, isang public school teacher. Batay sa imbestigasyon, nakaamoy si Roger de Guzman, ama ni Ronaly, ng nasusunog sa loob ng...