Pinas ‘di humingi ng permiso sa Tsina sa pinakabagong resupply mission – NTF-WPS
MANILA, Philippines- Pinabulaanan ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang sinabi ng Tsina na pinayagan nito ang Pilipinas sa resupply mission sa outpost nito sa Ayungin Shoal. Pinasinungalingan ng task force sa isang kalatas ang sinabi ng Tsina na ininspeksyon nito ang supplies na dala ng Philippine military para matiyak na humanitarian necessities lamang ang karga...
Taguig solon binatikos sa ‘di pagsunod ng evacuation center protocol
Kaliwa’t kanan ang batikos na inabot ni Taguig 2nd District Representative Cong. Pammy Zamora mula sa mga residente, netizens, at empleyado ng barangay at lungsod dahil sa hindi niya pagsunod sa protocol, at paninigaw sa mga kawani sa isang evacuation center sa Barangay Fort Bonifacio nitong Huwebes, Hulyo 25. Sa isang viral video na kumakalat sa Facebook, makikita si Cong...
DFA: Provisional arrangement sa SCS binigyan ng ‘false notion’ ng China exec
MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na na-“mischaracterize” ng tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry ang resupply mission noong Hulyo 27 sa Ayungin Shoal sa gitna ng provisional arrangement sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa naturang misyon. Sa isang kalatas, binatikos ng DFA kung paano bigyan ng “false notions” ng hindi pinangalanang Chinese official ang provisional arrangement kaugnay...
Mister na pumatay sa sariling anak tinangkang magpatiwakal sa loob ng selda
TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Tinangkang magpakamatay ang mister na brutal na pumaslang sa kanyang nag-iisang anak na high school student sa tugu Naagapan lamang ang planong kitilin ang buhay ng suspek na si Jude Ballad, 34-anyos na noon ay nasa loob ng CR sa detention cell ng Tuguegarao City Police Station. Nadatnang nakaupo sa toilet bowl ang suspek at duguan ang...
Rapist na top 4 most wanted sa Isabela isinelda
NAGUILLAN, Isabela - Isinelda ng pulisya ang akusado na tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa probinsya ng Isabela matapos mahuli sa isinagawang warrant of arrest sa Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela. Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Ferdinand Datul, hepe ng Naguillan Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, kinilala...
Rollback sa huling linggo ng Hulyo gugulong
MANILA, Philippines- Magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa bago pa man matapos ang buwan ng Hulyo na magiging epektibo bukas ng umaga. Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng...
Pagsipsip sa langis mula sa lumubog na tanker ipinagpaliban ng PCG
MANILA, Philippines- Ipinagpaliban nitong Linggo ang pag-alis sa langis mula sa motor tanker na lumubog sa Manila Bay, na may pangamba sa isang lumalaking sakuna sa kapaligiran habang ang pagkalat ng langis ay umabot sa pampang sa unang pagkakataon. Muling isasagawa ang siphoning sa 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil mula sa barko sa Martes ng maaga upang maselyuhan...
Bahagi ng Lucky China town nagliyab!
MANILA, Philippines- Kasalukuyang nasusunog ang gusali ng isang kilalang mall sa Maynila, ayon sa ulat ngayong Lunes ng umaga. Sa inisyal na impormasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang eksaktong lokasyon ng sunog ay sa likod ng Lucky China Town, subalit ang partikular na nilalamon ng apoy ang ika-apat na palapag ng Lucky Chinatown Mall Museum. Iniakyat pa lamang sa unang...
Lumubog na MTKR Jason Bradley nakitaan din ng leaks – PCG
MANILA, Philippines- Nakitaan na ng leaks ang isa pang motor tanker na MTKR Jason Bradley, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo. Kinumpirma rin ng PCG na lumubog ang barko sa karagatan bahagi ng Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan noong Sabado ng hapon. Ang 39-meter motor tanker ay may kargang “diesel cargo” na hindi pa tiyak ang dami taliwas...
Disaster response efforts tututukan ng LGUs
MANILA, Philippines- Inihayag ni Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) Dakila “Dax’’ Cua ang buong suporta sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa local government units (LGUs) na tutukan at gawing prayoridad ang kanilang disaster response efforts sa mga malalayong lugar na labis na apektado ni bagyong Carina. “Local government units, being on the front lines of...












