133 residente ng Tondo ginawaran ng titulo ng lupa
MANILA, Philippines- Pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo-Nieto ang pamamahagi ng certificates of lot award sa kabuuang 133 residente mula sa dalawang barangay sa Lungsod ng Maynila. Ang simpleng seremonya ng pamamahagi ng lupa ay ginanap nitong Biyernes sa Pamana Covered Court at M. Guizon Basketball Court sa kahabaan ng Maria Guizon St. sa Tondo...
Operasyon ng major PH ‘di nasagasaan ng global Microsoft outage
MANILA, Philippines- Hindi naapektuhan ang serbisyo ng tatlong major telecommunications players ng Pilipinas sa global IT system outage, na nagdulot ng pagkaantala sa lokal na airlines at banking services. Sa abiso, sinabi ng Globe Telecom Inc. na hindi naapektuhan ang core services nito, kabilang ang call, text, at data connectivity, ng Microsoft system outage. “The issue was isolated to a few...
Senate sessions sinisilip ikasa ‘gang Huwebes
MANILA, Philippines- Sinabi ni Senate President Francis "Chiz" Escudero nitong Biyernes na imumungkahi niya na palawigin ang sesyon ng kapulungan hanggang Huwebes. Sa mga nakaraang kongreso, isinasagawa lamang ang mga sesyon tuwing Lunes hanggang Miyerkules. "Isa ‘yan sa ipapanukala ko sa mga miyembro pagbukas namin para naman hindi kayo malungkot dito sa Huwebes," ani Escudero. Base sa lider ng Senado, bibigyang-daan ng...
EDSA-Santolan pansamantalang sarado mula Hulyo 19 ‘gang 22, 26-29
MANILA, Philippines- Nag-abiso ang Department of Public Works and Highways na pansamantalang sarado ang EDSA-Santolan Flyover mula Hulyo 19 hanggang Hulyo 22, at Hulyo 26 hanggang 29. Base sa kanilang abiso nitong Biyernes, kasado ang asphalt overlaying sa EDSA-Santolan Flyover Northbound (lane by lane) sa nabanggit na weekends. “The removal of existing asphalt pavement by rotomilling shall be done first, lane...
Matarik na PWD ramp sa busway station reremedyuhan ng MMDA
MANILA, Philippines- Gagamit ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng wheelchair lift para sa persons with disability (PWDs) at senior citizens sa kontrobersyal na EDSA Busway station sa Quezon City. Sinabi ni MMDA acting chairman Atty. Romando Artes na nangako ang contractor ng proyekto na sasagutin lahat ng karagdagang gastos upang ayusin ang serbisyo ng bus carousel. “Ito po 'yung wheelchair...
NCRPO isasailalim sa full alert sa Linggo para sa SONA 2024
MANILA, Philippines- Ilalagay ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng full alert status simula sa Linggo bilang bahagi ng security measures para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Nangangahulugan ang full alert ng pinakamataas na lebel ng kahandaan sa lahat ng police officers at units. Sa ilalim ng full...
ALAMIN: Mga kalsadang apektado ng road repairs mula Hulyo 19 ‘gang 22, 2024
MANILA, Philippines- Ikinasa ng Metropolitan Manila Development Authority ang road repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend. Nagsimula ang road reblocking at repairs ng alas-11 ng gabi nitong Biyernes sa mga sumusunod na lugar: Taft Avenue, Quirino Avenue hanggang LRT (outer lane), Parañaque City Roxas Boulevard (SB), makalampas ng Roxas Boulevard EDSA Flyover (2nd lane), Parañaque City EDSA...
PULIS NA NAMAN?
MALIIT ba o malaking krimen ang panununtok, pagbunot ng baril at pagbabanta ng kamatayan ng mga pulis sa isang traffic enforcer dahil lang umano sa masamang tingin ng huli sa una? Naganap ito, mga brad, sa isang kanto sa Brgy. Mabolo, Valenzuela City noong madaling araw ng Hulyo 14, 2024. Habang nagroronda umano itong traffic enforcer na si Ronaldo David, may...
Butchoy, Carina nananatili sa PAR; Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas
MANILA, Philippines- Magdudulot si Tropical Depressions Butchoy at Carina ng “minimal to no effect” sa anumang bahagi ng bansa ngayong Sabado sa inaasahang maulap na kalangitan at pag-ulan sa ilang lugar dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, base sa PAGASA. Nakaambang lumakas ni Carina sa mga susunod na araw habang si Butchoy ay lalabas din agad ng Philippine Area of...
BANGGAANG ISKO AT HONEY SA MAYNILA TULOY NA
MAGHAHALO na ang balat sa tinalupan. Ito ang kasabihan ng mga matatanda na tumutukoy sa tuluyang pagsasabong ng dalawang grupo o indibidwal na dating kilala bilang magkasanggang-dikit o malalim ang pagkakaibigan. Ito ngayon ang maugong at walang patid na usap-usapan sa bawat sulok ng Maynila kaugnay sa napipintong banggaan sa pulitika ng kilalang magkaalyado na sina Mayor Honey Lacuna at dating...












