State of calamity sa Cavite City idineklara sa malawakang sunog
MANILA, Philippines - Idineklara ng pamahalaang Lungsod ng Cavite ang state of calamity matapos ang sunog nitong Linggo na sumira sa dalawang coastal village kung saan mahigit 900 pamilya ang nawalan ng tirahan. "Ang Cavite City ay nasa ilalim na ngayon ng state of calamity," inihayag ni Mayor Denver Chua sa kanyang Facebook page.Ang pagdedeklara ng state of calamity ay...
Ayungin resupply mission kasama kaalyadong bansa piang-aaralan ng PH Navy
MANILA, Philippines - PINAG-AARALAN ng Philippine Navy ang posibilidad na magsagawa ng rotation and reprovision (RORE) mission sa Ayungin Shoal bilang bahagi ng Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) kasama ang mga kaalyadong bansa sa West Philippine Sea.Kasunod ito ng agresibong pagharang ng Tsina sa nakaraang misyon.Ang resupply mission ay maaaring maging bahagi ng multilateral exercise kasama ang ilang bansa.Sa...
Import ban sa sibuyas pinalawig ‘gang Agosto
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapalawig pa nito ang pagbabawal sa pag-import ng mga pulang sibuyas dahil nananatiling stable ang supply ng mga lokal na sibuyas. “As of the moment, hindi talaga kailangang mag-import ng onions… For now, until August,” ani Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. sa isang ambush interview. Ayon kay Sec. Tiu Laurel ang umiiral na import...
Mga hepe ng pulisya inalerto sa paghahanap kay Guo
MANILA, Philippines - Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na inatasan nito ang mga regional director at police chief na tumulong sa Senado sa pag-aresto kay suspendido Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at pitong iba pa. Ito ay matapos simulan ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSSA) ang paghahanap laban sa alkalde, kina Sheila Leal Guo, Wesley Leal...
PH remittances bahagyang lumakas nitong Mayo- BSP
MANILA, Philippines - BAHAGYANG nag-rebound ang remittances mula sa overseas Filipino workers (OFWs) nito lamang buwan ng Mayo kasunod ng 11-month low na naitala sa nakalipas na buwan. Nakasaad sa data na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang cash remittances o money transfers sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels ay nananatili sa $2.583 billion noong Mayo,...
SONA intel, security ops pinalakas ng PNP at AFP
MANILA, Philippines - UPANG matiyak ang peace and order pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang intelligence monitoring at security operations para matiyak ang kapayapaan at kaayusan para sa ikatlong State of Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 22. Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP public information office chief Col. Jean Fajardo...
Parak kumanta sa tanim-ebidensya sa pekeng Batangas buy-bust
BATANGAS - Dalawang tauhan ng pulis na sangkot sa buy-bust operation sa San Juan, Batangas na nagresulta sa pagkamatay ng isang drug suspect ay umamin na nagtanim ng shabu at baril na ginamit bilang ebidensya. Kinilala ang nasawi na si Bryan Laresma, 33, na napatay noong gabi ng Mayo 28 sa isang buy-bust operation sa Barangay Lipahan. Sa isinagawang pagdinig ng...
Maguindanao del Sur nasa gitna ng delubyo!
COTABATO CITY – Isinailalim sa state of calamity ang Maguindanao del Sur dahil sa nararanasang malawakang pagbaha. Ang hakbang ay matapos aprubahan ng provincial board nitong Martes ang isang resolusyon na nagdedeklara sa buong lalawigan sa state of calamity dahil sa malawakang pagbaha na nagpalubog sa 17 sa 24 na munisipalidad at nakaapekto sa mahigit 60,000 pamilya. Sinabi ni Tim Ambolodto,...
Sen. Win may banta sa buhay, nagpasaklolo sa pulisya
MANILA, Philippines - Pormal na hiniling ni Senador Sherwin Gatchalian sa Philippine National Police (PNP) na imbestigahan at maghain ng police report sa mga banta laban sa kanya na pinaniniwalaan niyang "bunga" ng kanyang papel sa imbestigasyon ng Senado sa ni-raid na POGO hub sa Bamban, Tarlac na ay iniugnay sa suspendidong Mayor Alice Guo. Sumulat ang mambabatas kay Pasay...
Presyo ng manok umabot sa P250 kada kilo sa ilang pamilihan sa Maynila
MANILA, Philippines – Sumirit ang presyo ng manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila ng hanggang P250 kada kilo, kung saan aabot sa P190 kada kilo naman ang pinakamababa, ayon sa Department of Agriculture-Bantay Presyo. Bunsod nito, sinabi ng DA na patuloy silang nakikipag-usap sa poultry sector sa gitna ng pagtaas ng presyo sa merkado. Sa isang ambush interview, nangako si...












