Aarestuhing Tsino nakipaghabulan, barilan sa mga parak sa BGC
MANILA, Philippines - Nagkaroon ng habulan sa kalye sa pagitan ng isang Chinese at pulisya sa Bonifacio Global City nitong Lunes ng gabi, Marso 4. Base sa ulat na nagtangkang tumakas ang suspek at binaril pa ang mga arresting officer. Nakatakda sanang ihain ng PNP Anti-Kidnapping Group ang warrant of arrest laban sa suspek nang manlaban ito at magpaputok. Ang mga warrant...
BRP Gabriela, PCG, Navy pumosisyon sa Benham Rise sa pag-aligid ng 2 barko ng Tsina
MANILA, Philippines — Ipinusisyon ng Philippine Coast Guard ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) para sa dalawang linggong misyon sa Batanes at Benham Rise simula Lunes, Marso 4, 2024. Ayon kay PCG spokesperson CG Rear Admiral Armando Balilo, magpapatrolya ang sasakyang pandagat sa paligid ng tubig upang magsagawa ng maritime domain awareness, paigtingin ang presensya ng Coast Guard sa Northern Luzon,...
Gary V, sinita sa title ng concert!
Manila, Philippines - Kaakibat ng edad ay ilang pisikal na pagbabago. And Gary Valenciano admits to being well aware of that. Sinita kasi siya ng kanyang team sa huli nilang pag-uusap. Inalmahan kasi ng grupo ng binansagang Mr. Pure Energy ang ginamit niyang pamagat sa nalalapit niyang concert in April sa SM MOA. Alarming daw kasi ang title na One Last Time. "You don't...
Tapyas-buwis sa stock transactions, lotto winnings aprub na sa Kamara
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang naglalayong babaan ang mga buwis sa mga transaksyon sa stock, sa pagsisikap na tulungang palakasin ang capital market at ang investment competitiveness ng bansa. Ang House Bill 9277 o ang panukalang Capital Markets Efficiency Promotion Act ay ipinasa ng mababang kamara na may 270 affirmative...
DFA sa Tsina: Paghaharas sa Pinas, itigil!
MELBOURNE, Australia - Stop harassing us. Ito ang mensahe ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa Tsina sa kanyang talumpati sa sideline ng ASEAN-Australia summit sa Melbourne. Kasabay nito, iginiit niya na nais ng Pilipinas na lutasin ang mga maritime conflict sa China nang mapayapa.Sa nasabing event, ipinagtanggol ni Manalo ang patakaran ng kanyang gobyerno sa pagsasapubliko ng mga pagmamaniobra ng...
Paghahanap sa dambuhalang sawa sa Pangasinan itinigil muna
MANILA, Philippines - Dahil pahirapan sa paghahanap, itinigil muna ang paghahanap ng dambuhalang sawa sa Barangay Bued sa Calasiao, Pangasinan. Ayon kay chairman Allan Roy Macanlalay na sinabi umano ng mga ekspero na baka nakalayo na ang sawa o hindi naman kaya ay nakakain na ito kaya matagal pa umano ito bago lumabas ulit. Sa kabila nito, tiniyak pa rin niya ang...
Ginang pinagtataga, pinugutan ng ulo ng bayaw sa away-lupa
CAMARINES SUR - Pinagtataga at pinugutan pa ng ulo ang isang 54-anyos na ginang ng kanyang sariling bayaw sa bayan ng Goa. Sa imbestigasyon, iniulat ni Police Major Rodolfo Borromeo, hepe ng Goa Municipal Police Station, sumuko ang 44-anyos na suspek matapos gawin ang karumal-dumal na krimen. Napag-alaman pa ng pulisya na inihagis pa ng suspek ang ulo ng biktima ilang...
Aussie senator pinadedeklarang persona non grata sa Pinas
MANILA – Dapat ideklara ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Australian senator na si Janet Rice bilang persona non grata (unwelcome) dahil sa hindi paggalang kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa harap ng Australian Parliament noong nakaraang linggo. Inihain ni Senador Robinhood Padilla ang Senate Resolution 944 noong Lunes para banggitin ang "unparliamentary behavior ni...
Pinas dapat nang magtayo ng istruktura sa Pag-asa, Kalayaan islands – House leaders
MANILA, Philippines – Binigyang-diin ng ranking members ng House of Representatives nitong Lunes, Marso 4, ang pangangailangang bumuo ng mga malalaking proyektong pang-imprastraktura sa Kalayaan Island Group, lalo na sa Pag-asa Island, upang igiit ang presensya ng Pilipinas kasunod ng tumaas na mga paglusob ng China sa West Philippine Sea (WPS). Sa isang press briefing, sinabi ni Deputy Speaker at...
Makati Park and Garden tatauhan ng PNP para iwas-gulo
MANILA, Philippines - Babantayan ng kapulisan ang Makati Park and Garden para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa gitna ng standoff sa pagitan ng local government units (LGUs) ng Makati City at Taguig City sa pagmamay-ari nito. Sinabi ni Col Jean Fajardo, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), na ang presensya ng kanilang mga tauhan sa lugar ay naglalayon din...












