Panukalang pagpapalawak ng mga kampus ng SUC sa buong bansa, inaprubahan ng Kamara
MANILA, Philippines - Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang walong panukalang batas na naglalayong palawakin ang pampublikong edukasyon sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagtatatag o pagpapalit ng 13 regular na kampus ng mga state university and college (SUC) sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ayon kay House Committee on Higher and Technical Education Chairperson at TINGOG...
Malakanyang sa 2028 elections: Maging mapanuri sa survey, ebidensiya
MANILA, Philippines - Hinikayat ng Malakanyang ang mga filipino na tingnan ang katotohanan at lahat ng available na ebidensiya sa pag-assess ng political developments, matapos mapaulat na halos dikit ang nakuhang numero ng tambalang Naga City Mayor Leni Robredo at Sen. Raffy Tulfo at tambalang Vice President Sara Duterte at Sen. Imee Marcos sa isinagawang hypothetical 2028 election match-up...
20 arestado sa online scam syndicate sa Pasay
MANILA, Philippines - Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 20 katao, kabilang ang dalawang dayuhan, sa isang operasyon laban sa umano’y online fraud syndicate sa Pasay City. Ayon sa NBI, sangkot ang grupo sa love scam, cryptocurrency investment fraud, at “pig butchering” scheme, kung saan unti-unting kinukuha ang malaking halaga ng pera mula sa mga biktima. Isinagawa ang entrapment...
Sandamakmak na basura sa Baclaran-Redemptorist Water Channel, nalimas nang lahat
MANILA, Philippines - Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Parañaque nitong nakaraang Huwebes na sa loob ng apat na araw ng puspusang paglilinis ay nahakot na ang lahat ng basurang naipon sa Baclaran-Redemptorist Water Channel na inanod umano mula sa mga karatig-lungsod at lalawigan bunsod ng pananalasa ng hangging Habagat. Ito ang pahayag ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez...
18-anyos stude, nasawi matapos mahulog mula sa ika-10 palapag sa Malate
MANILA, Philippines - Patay ang isang 18-anyos na babaeng estudyante matapos mahulog mula sa ledge ng ika-10 palapag ng isang gusali katabi ng Enrique Razon Sports Complex sa Malate, Manila, noong Huwebes, Agosto 13. Nangyari ang insidente bandang 12:57 p.m. sa kanto ng Noli Agno Street at F. Reyes Street, Barangay 708. Ayon sa pulisya, may nag-ulat na isang tao ang...
Pinsala sa agrikultura sa bagyo, habagat, umabot na sa P689.66M
MANILA, Philippines - Umabot na sa ₱689.66 milyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng Tropical Cyclones Luis at Maymay at ng pinalakas na habagat, ayon sa Department of Agriculture (DA). Halos doble ito kumpara sa naunang ulat na ₱347.37 milyon noong Miyerkules. Apektado ang 21,115 magsasaka sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas. Nasira ang humigit-kumulang 17,527...
Heart, aminadong nawasak sa ex; Netizens, may hula kung sino!
Manila, Philippines - Subject ngayon ng mga katikatera at sawsawera ang naging komento ni Heart Evangelista sa segment ng kanyang game show. Tinanong kasi niya ang contestants kung ano ang gagawin nila sa regalong binigay sa ex na hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay. Ang choices ay ipamimigay, ibebenta o kaya'y itatago. May naging rebelasyon naman ang TV host actress tungkol sa...
Max Collins, ‘di bet magpatali!
Manila, Philippines - Happy si Max Collins dahil maganda ang co-parenting agreement nila ng ex na si Pancho Magno sa anak na si Skye mula nang maghiwalay sila noong 2023. Sa panayam sa kanya sa isang vlog, inamin niyang hindi naman siya nahirapang ipaliwanag sa anak kung bakit di nagsasama ang parents nito sa isang bubong. Sa ngayon, pinagsasaluhan nila ni...
Kathryn, binarag sa bakasyon nila ni Mark!
Manila, Philippines - For the nth time, nakakaranas na naman ng backlash si Kathryn Bernardo sa pagiging "missing in action" ni Lucena City Mayor Mark Alcala. Ayon sa ulat sa isang website, two weeks nakabakasyon ang alkalde dahil sa biyahe nito sa Thailand kasama ang aktres. Umani 'yon ng pagpuna mula sa mga netizens calling out Kathryn, damay ang dating nobyong...
Kier at anak na si Dani, magkasundo na!
Manila, Philippines - With healing comes acceptance. Ganito nga ang nangyari kay Dani Barretto na nakibahagi sa family gathering nila kung saan present ang amang si Kier Legaspi sa kanyang tahanan. Finlex ni Dani ang larawan ng kanilang pagsasama sa kanyang Instagram, taken at her residence. Katabi ni Dani ang kanyang grandma, si Mommy Hershey at ang dalagang si Sam Mathay. On the...












