Rope jump tragedy: Bebot utas matapos makalimutang itali
BRAZIL - Nasawi ang isang 21-anyos na babae sa Brazil matapos ihagis mula sa isang tulay para sa rope jump nang hindi naikabit sa kanya ang kinakailangang safety cord, ayon sa pulisya. Sa video ng insidente na nag-viral online, makikitang binuhat ng dalawang lalaki ang biktima at inihagis mula sa Skeleton Bridge sa São Paulo state. Bago siya bumagsak, narinig...
Higit P6.1-M ismagel na yosi nasamsam sa Zamboanga; 3 arestado
ZAMBOANGA - Nasamsam ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mahigit P6.1 milyong halaga ng umano’y smuggled cigarettes at naaresto ang tatlong katao sa magkahiwalay na operasyon sa Zamboanga noong Hunyo 11 at 13. Ayon kay CIDG chief Maj. Gen. Robert Morico II, dalawang lalaki ang naaresto sa isinagawang operasyon sa Barangay Baclay, Tukuran, Zamboanga del...
Trump: Kasunduan sa Iran para wakasan digmaan, pirmado na
MANILA, Philippines - Sinabi ni US President Donald Trump na pirmado na ang memorandum of understanding sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na naglalayong wakasan ang digmaan sa Gulf at muling buksan ang Strait of Hormuz, na ilang buwan nang naapektuhan ng blockade sa suplay ng langis. “The deal's all signed. And the strait is already partially opened,” ani...
2 dedo, 2 sugatan sa salpukan ng pickup, motorsiklo at traysikel sa Iloilo
MANILA, Philippines - Dalawang katao ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan matapos araruhin ng isang pickup truck ang motorsiklo at traysikel sa Bingawan, Iloilo. Sa CCTV footage, makikitang mabilis ang takbo ng pickup truck na nagbubuga pa ng usok habang hinihila ang isang motorsiklo sa kalsada. Bukod sa motorsiklo, nabangga rin ng pickup truck ang isang traysikel na nagresulta sa...
2 patay, 1 kritikal sa pananaga sa Leyte at Cebu
MANILA, Philippines - Dalawang katao ang nasawi habang isa naman ang nasa kritikal na kondisyon matapos masangkot sa magkakahiwalay na pananaga sa Leyte at Cebu. Sa Matag-ob, Leyte, patay ang isang 45-anyos na lalaki matapos pagtatagain ng kanyang 62-anyos na stepfather. Batay sa imbestigasyon, lasing umano ang biktima nang tangkain nitong tagain ang isang aso. Sinubukan siyang pigilan ng kanyang...
17-anyos pinagtulungang gulpihin ng 5 menor de edad sa Rizal
RIZAL - Isang 17-anyos na lalaki ang binugbog ng limang menor de edad sa harap ng isang tindahan sa Angono, Rizal. Ayon sa isang saksi, humingi muna ng tulong ang biktima sa mga nakatambay na motorcycle rider malapit sa tindahan bago naganap ang insidente, ngunit hindi umano siya pinansin. Ilang sandali matapos nito ay nilapitan siya ng limang menor de edad...
8 utas sa pagbulusok ng US B-52 bomber sa California
CALIFORNIA - Bumagsak ang isang U.S. Air Force B-52 Stratofortress bomber ilang sandali matapos itong mag-takeoff mula sa Edwards Air Force Base sa Mojave Desert sa Southern California noong Lunes, ayon sa U.S. Air Force. Ayon sa base, naganap ang insidente dakong 11:20 a.m. sa loob ng airfield. Agad namang rumesponde ang mga emergency crew habang nagpapatuloy ang operasyon sa...
Filipino translation sa impeachment trial ni VP Sara, isinusulong
MANILA, Philippines — Isinusulong ng House prosecution panel ang paggamit ng Filipino at pagsasalin ng mga kaganapan sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa mga pangunahing rehiyonal na wika upang mas madaling maunawaan ng publiko ang mga pagdinig. Ayon kay lead prosecutor at House Committee on Justice chairperson Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, pormal nilang ihahain ang mungkahi...
Mga retiradong heneral kinondena Chinese platform sa Bajo de Masinloc
MANILA, Philippines — Kinondena ng mga retiradong heneral at flag officers ang naiulat na paglalagay ng China ng isang floating platform sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal, na anila’y maaaring bahagi ng pagpapalawak ng presensiya ng Beijing sa pinagtatalunang teritoryo. Nagpahayag ng pagkabahala ang Association of Generals and Flag Officers (AGFO) sa estrukturang namataan sa shoal at sinabing banta...
Guro patay sa gulpi at painumin ng muriatic acid ng estudyante sa Bacolod
MANILA, Philippines — Patay ang isang 38-anyos na guro matapos umano’y bugbugin at sapilitang painumin ng muriatic acid ng isang 24-anyos na college student sa loob ng isang bahay sa Bacolod City noong Biyernes. Naaresto ng mga awtoridad ang suspek sa mismong lugar ng insidente matapos umano itong ilang ulit na tangkaing tumakas. “Pagpasok, may nakita siyang taong may hinihinalang isa...











