14 LGUs nagdeklara ng state of calamity sa Mindanao quake — OCD

0

MANILA, Philippines — Nagdeklara na ng state of calamity ang 14 local government units (LGUs) sa Davao Occidental, Sarangani, at South Cotabato matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8, ayon sa Office of Civil Defense (OCD). Sinabi ni OCD Deputy Administrator Bernardo Alejandro IV na makatutulong ang deklarasyon upang mapabilis ang procurement process ng...

Bilang ng nasawi sa lindol sa Sarangani umakyat na sa 65

0

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 65 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa karagatan ng Maasim, Sarangani noong Hunyo 8, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa pinakahuling ulat ng ahensya, 57 sa mga nasawi ay mula sa Region 12 o Soccsksargen habang walo naman ang mula sa Region...

Anti-ticket scalping, proteksyon sa mamimili pinasasabatas ni Sen. Villar

0

Pasay City — Muling nanawagan si Senator Mark A. Villar para sa agarang pagpasa ng Senate Bill No. 1989 o ang panukalang Anti-Ticket Scalping Act, na naglalayong protektahan ang mga mamimili laban sa mapagsamantalang pagbebenta muli ng mga tiket sa mga konsiyerto, palaro, at iba public events. Bilang tugon sa lumalalang problema ng ticket scalping at dumaraming reklamo mula sa...

House prosecutors naghain na ng pretrial brief para sa impeachment trial ni VP Sara

0

MANILA, Philippines — Naghain na nitong Lunes ang House prosecution panel ng 57-pahinang pretrial brief at mga dokumentaryong ebidensiya para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bago ang nakatakdang pretrial conference ng Senate impeachment court sa Hunyo 18. Isinumite ni House Secretary General Cheloy Garafil ang dokumento sa ngalan ng 11-miyembrong prosecution team na pinamumunuan ni House Committee...

Presyo ng ginto tumaas, langis bumagsak sa US-Iran peace deal

0

ISTANBUL/WASHINGTON — Tumaas ang presyo ng ginto habang bumagsak ang presyo ng langis matapos magkasundo ang Estados Unidos at Iran sa isang kasunduang pangkapayapaan na pinagitnaan ng Pakistan, na nagpaibsan sa pangamba sa nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan. Bumaba ng halos 4 porsiyento ang presyo ng Brent crude futures at sumadsad sa ibaba ng USD84 kada bariles mula sa...

Yaman ni VP Sara, kanyang asawa umabot sa P98.6-M sa 2025

0

MANILA, Philippines — Nagdeklara sina Vice President Sara Duterte at kanyang asawang si abogado Manases Carpio ng pinagsamang net worth na P98.6 milyon sa kanilang 2025 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), ayon sa mga dokumentong inilabas noong Lunes. Mas mataas ito kumpara sa naunang deklarasyon ng mag-asawa, kung saan malaking bahagi ng kanilang mga ari-arian ay mula...

M-5.5 aftershock, umuga sa Sarangani 

0

MANILA, Philippines — Isang magnitude 5.5 na lindol na itinuturing na aftershock ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani noong nakaraang linggo ang yumanig malapit sa Glan, Sarangani nitong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Naitala ang pagyanig dakong 11:30 p.m. at natukoy ang sentro nito sa layong 18 kilometro timog-silangan ng Glan na...

Pagsali sa UAAP ‘di pa napagdedesisyunan ng Ateneo kasunod ng pagkasawi nina Baterbonia at Adili

0

MANILA, Philippines — Wala pang desisyon ang Ateneo de Manila University kung lalahok ito sa UAAP Season 89 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga student-athlete na sina Rene Baterbonia at Divine Adili. Ayon kay Ateneo President Fr. Bobby Yap, pinag-aaralan pa ng unibersidad ang lahat ng posibleng hakbang matapos itong umatras sa FilOil EcoOil Preseason Cup. “‘Yung sa UAAP,...

Panghihimasok ni Iqbal sa BARMM elections kinondena; banta umano sa demokratikong proseso

0

COTABATO CITY — Mas umigting ang panawagang itigil ang umano’y pakikialam ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Peace Panel Chief Mohagher Iqbal sa nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE), matapos siyang akusahang hinahadlangan ang demokratikong proseso at inaantala ang matagal nang hinihintay na ganap na sariling pamamahala ng rehiyon.Sa isang opinion column na inilathala ng Cotabato Column, inilalarawan si...

Viral na reklamo sa na-deny na claim, sinuri ng PhilHealth

0

MANILA, Philippines — Nakipag-ugnayan na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pamilya ng isang namatay na miyembro matapos mag-viral sa social media ang reklamo hinggil sa umano’y hindi pag-apruba ng kanyang hospital benefit claim. Ayon sa PhilHealth, sinusuri nito ang buong pangyayari at direktang nakikipag-ugnayan sa mga kaanak ng miyembro. Sinabi ng ahensya na nakausap na ng mga kinatawan nito...