138 aftershocks naitala matapos M7.8 lindol sa Mindanao — PHIVOLCS

0

MANILA, Philippines - Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na umabot na sa 138 aftershocks ang naitala hanggang alas-11 ng umaga nitong Lunes matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao. Ayon sa PHIVOLCS, 47 sa mga aftershocks ay na-locate, habang siyam ang naramdaman ng mga residente sa mga apektadong lugar. Ang lakas ng mga naitalang aftershocks ay...

Dual-signatory, joint certification set up sa bagong majority, inilatag ni Cayetano

0

MANILA, Philippines - Isinusulong ng kampo ni Senador Alan Peter Cayetano ang posibleng interim administrative arrangements sa kampo ni Acting Senate President Pro-Tempore Sherwin Gatchalian upang hindi maantala ang operasyon ng Senado kabilang ang impeachment court. Ipinalutang ang panukala sa liham ni Atty. Jose Luis Montales, na dating Senate secretary sa ilalim ni Cayetano bloc, kay  Senate secretary Renato Bantug,...

Higit 3.2M mag-aaral, apektado ng M7.8 lindol sa Mindanao – DepEd

0

MANILA, Philippines - Mahigit 3.2 milyong mag-aaral at halos 129,000 guro at non-teaching personnel ang naapektuhan matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa timog-kanluran ng Maasim, Sarangani nitong Lunes ng umaga, ayon sa Department of Education (DepEd). Sa DepEd Situation Report No. 2 na inilabas pasado tanghali, nangyari ang lindol alas-7:37 ng umaga na may epicenter na humigit-kumulang...

Epekto ng 7.8 lindol sa power infrastructure, susuriin ng DOE, NGCP

0

MANILA, Philippines - Sinabi ng Department of Energy (DOE) na kasalukuyan nitong inaalam ang epekto ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao sa mga kritikal na pasilidad ng kuryente. Ayon sa ahensya, nakikipag-ugnayan sila sa mga electric cooperatives, distribution utilities, at mga stakeholder sa oil industry upang matukoy ang lawak ng pinsala. “The DOE is currently consolidating reports on the condition...

14 dating empleyado ni Zaldy Co, handang tumestigo sa Senado – Baligod

0

MANILA, Philippines - Inihayag nitong Lunes ni Atty. Levito Baligod na may 14 pang umano’y dating empleyado ni ex-Congressman Zaldy Co na handang humarap sa imbestigasyon ng Senado. Dagdag ito sa unang 18 indibidwal na nagpakilalang mga “bagmen” ni Co at nagsabing naghatid sila ng mga maletang may lamang pera sa ilang opisyal ng gobyerno kaugnay ng umano’y flood control...

Alegasyon vs Legarda, binawi ng 18 “ex-bagmen”

0

MANILA, Philippines - Binawi ng mga umano’y dating empleyado ni Rep. Zaldy Co ang naunang pahayag na naghatid sila ng mga maletang puno ng pera kay Sen. Loren Legarda, ayon sa kanilang abogado na si Levito Baligod. Sinabi ni Baligod nitong Lunes na inamin ng mga tinaguriang “ex-bagmen” na nagkamali sila sa kanilang alegasyon na nakatanggap si Legarda ng dalawang...

Availability ng quick response funds, tiniyak ng DBM

0

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na nananatiling available ang Quick Response Funds (QRFs) ng lahat ng QRF-assisted agencies at maaaring agad na gamitin para suportahan ang nagpapatuloy na disaster response and relief operations bunsod ng malakas na paglindol na nakaapekto sa Sarangani at kalapit-lugar. Patuloy naman ang mahigpit na pakikipag-ugnayan ng DBM sa mga...

Curlee Discaya, ibinigay ng Senado sa CIDG sa kaso ng flood control scandal

0

MANILA, Philippines - Pormal nang ibinigay ng Senado si Pacifico “Curlee” Discaya III sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) base sa warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa Malolos City, Bulacan kaugnay ng flood control scandal. Matagal nang nasa kustodiya ng Senado si Discaya matapos kasuhan ng contempt sa pagsisinungaling at ayaw ilantad sa ginanap na pagdinig ng...

17 flights kanselado matapos M7.8 lindol sa Sarangani

0

MANILA, Philippines - Kinansela ang 17 flights hanggang alas-11 ng umaga nitong Lunes bilang pag-iingat matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Sa kabuuan, 11 flights ng Cebu Pacific, 4 flights ng PAL Express, at 2 flights ng Philippine Airlines na may rutang papunta at mula sa...

DOH, agad na kumilos matapos M7.8 lindol sa Mindanao

0

MANILA, Philippines - Agad na pinakilos ng Department of Health (DOH) ang mga tanggapan at tauhan nito matapos ang nangyaring lindol sa General Santos City.  Sa pahayag ni DOH Usec. at spokesperson Dr. Albert Domingo, agad na pinagana ang crisis protocol sa mga hospital na nasa ilalim ng kanilang pangangalaga gayundin ang Centers for Health Development sa regional offices.  Ito'y matapos...