DOH, agad na kumilos matapos M7.8 lindol sa Mindanao
MANILA, Philippines - Agad na pinakilos ng Department of Health (DOH) ang mga tanggapan at tauhan nito matapos ang nangyaring lindol sa General Santos City. Sa pahayag ni DOH Usec. at spokesperson Dr. Albert Domingo, agad na pinagana ang crisis protocol sa mga hospital na nasa ilalim ng kanilang pangangalaga gayundin ang Centers for Health Development sa regional offices. Ito'y matapos...
Mabilis na tulong sa mga apektado ng lindol sa Mindanao, tiniyak ng DSWD
MANILA, Philippines - Tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian nitong Lunes na mabilis na tumutugon ang ahensya sa pangangailangan ng mga komunidad na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao. Ginawa ni Gatchalian ang pahayag habang bumibisita sa isang proyekto ng paaralan na may dalawang silid-aralan at isang footbridge sa ilalim ng KALAHI-CIDSS program sa Barangay Pisompongan,...
Indonesia nagsagawa ng evacuation sa banta ng tsunami matapos M7.8 lindol sa Mindanao
JAKARTA, Indonesia - Nag-utos ang Indonesia nitong Lunes ng agarang paglikas sa ilang hilagang lugar matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa katimugang Pilipinas at nagdulot ng banta ng tsunami. Ayon sa Indonesian disaster agency, pinayuhan ang mga residente sa mga lugar na may pinakamataas na panganib kabilang ang Manado sa North Sulawesi, hilagang bahagi ng Gorontalo, at...
Ulat ng mga posibleng nasawi sa M7.8 lindol sa Mindanao, biniberipika pa ng OCD
MANILA, Philippines - Kaagad na iniulat ang casualties at damage to properties matapos ang magnitude 7.8 earthquake sa Mindanao, Lunes ng umaga. Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) deputy spokesperson Diego Mariano, minonitor at binalideyt (validate) ang mga casualty. “However, no official reports as of reporting time,” ani Mariano. "There were reports of major damage in various infrastructures," aniya pa rin. Iniulat...
Klase, trabaho sa Cotabato City sinuspinde matapos M7.8 lindol
COTABATO, Philippines - Sinuspinde ngayong Lunes ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Cotabato City matapos maramdaman ang magnitude 7.8 na lindol sa iba't ibang bahagi ng Mindanao. Sinuspinde rin ang trabaho sa mga tanggapan, ministeryo, at ahensya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Bangsamoro Government Center at iba pang lugar sa lungsod upang...
18 bodyguards, dumating sa Senado, pero humarap kay Robin
MANILA, Philippines - Hindi dumalo ang 18 bodyguards ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa isinagawang organizational at consultative meeting ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Erwin Tulfo. Sa pagpapatuloy ng pulong, dumating ang 18 bodyguards na itinuturong din ni Senador Raffy Tulfo na “kargador” ni Co, sa Senado ngunit tumuloy sa tanggapan ni Senador Robin...
3 nasawi sa Soccsksargen sa M7.8 lindol
GENERAL SANTOS, Philippines - Hindi bababa sa tatlong katao ang nasawi at apat ang nasugatan sa Soccsksargen matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao, ayon sa Philippine National Police (PNP). Batay sa ulat ng Police Regional Office 12 (PRO 12) noong alas-10:50 ng umaga, pawang mga sibilyan ang mga nasawi at nasugatan. Naitala rin ng mga awtoridad ang...
Panukalang pangkaligtasan sa baybayin, pinaigting ng PCG sa tsunami warning sa Mindanao
MANILA, Philippines - Pinaiigting ng Philippine Coast Guard (PCG) ang operational readiness at mga panukalang pangkaligtasan sa baybayin kasunod ng babala sa tsunami na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) matapos tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa karagatan malapit sa Sarangani ngayong araw, June 8, 2026. Bilang tugon sa advisory, inutusan ni PCG Commandant Admiral Ronnie...
Agarang suspensyon sa trabaho sa lahat ng tanggapan ng DOLE sa Davao region, Soccsksargen ipinag-utos
MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Labor Secretary Francis N. Tolentino ang agarang suspensyon ng trabaho sa lahat ng tanggapan ng DOLE sa Davao Region at SOCCSKSARGEN kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Maasim, Sarangani, umaga ng June 8. Ito ay para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga empleyado at kliyente, sinuspinde muna ang lahat ng face-to-face...
Cotabato Trench, sanhi ng M7.8 lindol sa Mindanao
MANILA, Philipines - Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang paggalaw sa Cotabato Trench ang sanhi ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao ngayong Lunes. Ayon kay Phivolcs research specialist Winchelle Sevilla, ang parehong trench din ang nagdulot ng 1976 Moro Gulf earthquake at tsunami na ikinamatay ng libo-libong katao. Aniya, “Aktibo ang Cotabato Trench....












