Nasawi sa malakas na lindol sa Colombia, sumirit sa 241
BOGOTA, Colombia - Patuloy ang search and rescue operations sa kanlurang Colombia matapos ang 7.4-magnitude na lindol, na itinuturing na pinakamalakas sa bansa sa loob ng isang siglo. Umabot na sa 241 ang nasawi at mahigit 1,670 ang nasugatan, ayon sa mga lokal na awtoridad. Marami ring residente ang nawalan ng tirahan matapos gumuho ang mga apartment, opisina, at iba...
8 Chinese fishing boat sinamsam ng SoKor
SEOUL, South Korea - Sinamsam ng South Korean Coast Guard ang walong Chinese fishing boat sa karagatan malapit sa kanlurang baybayin ng South Korea dahil sa umano’y matagal na pag-angkla nang walang pahintulot. Ayon sa Central Regional Coast Guard, nahaharap ang mga barko sa mga paglabag sa Ship Act at Public Waters Management and Reclamation Act. Pinaghihinalaang ilegal na nanatiling nakadaong...
OVP ‘di dapat humingi ng special treatment sa COA- Adiong
MANILA, Philippines - Hindi dapat umasa ang Office of the Vice President (OVP) na bibigyan ito ng special treatment ng state auditors sa pag-uulat ng paggamit nito ng confidential funds, ayon kay House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong. Ayon kay Alonto Adiong, hindi maaaring tanggihan ng OVP ang mga patakaran ng Commission on Audit (COA) sa...
Luistro: Depensa ni VP Sara kailangang ipaliwanag paggamit sa confidential funds
MANILA, Philippines - Sinabi ni House lead prosecutor Gerville Luistro na kailangang ipaliwanag ng depensa ni Vice President Sara Duterte kung paano ginamit ang confidential funds ng Office of the Vice President (OVP). Ayon kay Luistro, hindi ang pinakamahalagang isyu kung ang mga pangalang nasa acknowledgment receipts ay alyas o tunay na tao, kundi kung nakatanggap ang mga lehitimong benepisyaryo...
Kapangyarihan ng COA na buklatin vault ng records ng alyas na komolekta ng CF ni Sara– Lacson
MANILA, Philippines - May awtoridad ang Commission on Audit (COA) na siyasatin ang mga vault na naglalaman ng classified records at supporting documents kaugnay ng confidential at intelligence operations kung kinakailangan, ayon kay Senator-Judge Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Miyerkules. Binanggit ni Lacson ang Joint Memorandum Circular 2015-01 ng COA, na nagsasaad na ang classified details at supporting documents ng...
MMDA: Waste management nananatiling malaking hamon sa Metro Manila
MANILA, Philippines - Inamin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nananatiling malaking hamon ang waste management sa Metro Manila. Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III, “Sa Metro Manila, talagang nakikita natin na malaking challenge ang waste management natin.” Ginawa niya ang pahayag habang ikaatlong araw na ng paglilinis ng MMDA sa Redemptorist Water Channel sa Baclaran, kung saan...
Abogado ni Sara, sinopla ng COA auditor sa pagbili ng gamot, pagkain gamit secret funds
MANILA, Philippines - Nakatikim ng isang matinding pagsopla ang defense team ni Vice President Sara Duterte mula sa auditor ng Commission on Audit (COA) na sumuri sa P73 milyong confidential funds na karaming ipinambili ng pagkain at gamot. Sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Duterte hinggil sa paglulustay ng pondo ng bayan, sinabi COA auditor Xylene Mae del Campo na...
16-anyos utas nang ma-trap sa balon
KALINGA, Philippines - Isang 16-anyos na laborer ang namatay matapos ma-trap sa loob ng 17 metrong lalim na balon habang nagtatrabaho sa Barangay Taga, Pinukpuk noong Martes, Agosto 11. Kinilala ng pulisya ang biktima na si alias Pullat, residente ng Barangay Junction, Pinukpuk. Narekober siya mula sa balon bandang 5:05 p.m., halos apat na oras matapos maiulat ang insidente. Batay sa...
Higit 100 katao nailigtas sa nasunog na ferry sa Indonesia
BALI, Indonesia - Mahigit 100 pasahero at tripulante ang nailigtas matapos masunog ang isang ferry malapit sa Bali, Indonesia noong Miyerkules ng madaling araw. Ayon sa manifest, hindi bababa sa 114 katao ang sakay ng ferry na bumiyahe mula Bali patungong Lombok nang sumiklab ang apoy. Sinabi ni Muhamad Hariyadi, pinuno ng search and rescue agency sa Mataram, Lombok, na bineberipika...
Lokasyon para sa waste-to-energy facilities, pinag-aaralan ng gobyerno – PBBM
MANILA, Philippines - Tinitingnan ng gobyerno ang posibleng facility sites para sa waste-to-energy project. Ito'y matapos na personal na inspeksyunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang clearing operations sa kahabaan ng Baclaran River sa Parañaque City, araw ng Martes, Agosto 12. Sinabi ni Pangulong Marcos na ang waste-to-energy project ay isa sa mga inisyatiba ng administrasyon para tugunan ang lumalaking dami...












