Nick Vera Perez, may mensahe sa pag-retiro ni Regine!
Manila, Philippines - Taon-taon, tuwing buwan ng May ay umuuwi sa Pinas ang mahusay na international entertainer na si Nick Vera Perez para sa promo ng kanyang bagong album. At dahil May ngayon ay nandito na ulit sa bansa si Sir Nick para sa kanyang Duo Album Philippine Tours 2026. Ito ay bahagi nito ng promo ng kanyang dalawang album na...
Sotto out; Sen. Alan Cayetano bagong Senate President
MANILA, Philippines - Tuluyan nang nasibak sa puwesto si Senador Vicente Sotto III matapos matalo sa botohan sa senate presidency.nitong Lunes, May 11, 2026. Sa pagbubukas ng bagong sesyon ng Senado, nagkaroon ng pagbabago sa liderato kaya nahalal si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President nitong Lunes.Nakakuha si Cayetano ng botong 13, siyam kay Sotto at...
Sen. Bato, balik-Senado
MANILA, Philippines - Dumating sa Senado ngayong Lunes ng hapon, Mayo 11, 2026, si Senator Ronald "Bato" dela Rosa upang dumalo sa plenary session. Ang pagpapakita ni Dela Rosa ay ang kanyang unang pagdalo matapos ang anim na buwang pag-absent mula PA noong Nobyembre 11, 2025. Sa kanyang pagharap sa Senate floor, naging emosyonal si Dela Rosa matapos niyang sabihin na...
DND: Walang destab plot mula militar sa gitna ng impeachment case vs VP Duterte
MANILA, Philippines - Sinabi ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro nitong Lunes na wala silang namomonitor na destabilization activities sa hanay ng aktibong militar kaugnay ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Teodoro, nananatiling nakatutok ang militar sa kanilang tungkulin at wala umanong banta sa loob ng kanilang hanay. "Sa ngayon, involving active duty members,...
Pagpapababa ng gastusin sa liver transplant, tinatrabaho ng DOH, PhilHealth
MANILA, Philippines - Nagtutulungan ang Department of Health at PhilHealth upang mapababa ang gastusin sa liver transplant sa bansa, ayon kay Health Secretary Ted Herbosa nitong Lunes. Inihayag ito ni Herbosa kasabay ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng joint liver transplant program ng The Medical City at Rizal Medical Center sa Pasig City. Ayon kay Herbosa, pinag-aaralan ng DOH at PhilHealth...
Sen. Bato tikom-bibig pa rin sa hirit na ‘no work, no pay’
MANILA, Philippines - Hindi pa nagbibigay ng tugon si Senator Ronald dela Rosa sa panukalang amyenda sa Senate rules na magpapatupad ng “no work, no pay” policy laban sa mga senador na madalas lumiban sa sesyon. Ayon kay Senator JV Ejercito, chairperson ng Senate Committee on Ethics and Privileges, hanggang Mayo 13 hihintayin ng komite ang paliwanag ni dela Rosa...
P9.57 tapyas-presyo sa diesel; P13.30 sa kerosene, nakaumang
MANILA, Philippines - Magkakaroon ng magkahalong galaw sa presyo ng produktong petrolyo sa ikalawang linggo ng Mayo matapos ipatupad ang rollback sa diesel at kerosene habang tataas naman ang presyo ng gasolina. Ayon sa abiso ng Shell Pilipinas, epektibo alas-6 ng umaga ng Martes ang mga sumusunod na price adjustment: Bababa ng P9.57 kada litro ang diesel, tataas ng P0.47 kada...
Ang, Bantag, Dumlao, inisyuhan ng Interpol red notice
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Lunes na naglabas na ng Interpol red notices laban kina businessman Atong Ang, dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag, dating pulis na si Rafael Dumlao III. “May red notice na laban kay Bantag. May red notice na laban kay Atong Ang. May red...
‘Good’ air quality naitala na sa Metro Manila – DENR
MANILA, Philippines - Naitala ng lahat ng mga monitoring areas sa Metro Manila ang “good” na kalidad ng hangin para sa fine particulate matter (PM2.5), isang buwan matapos ang sunog sa Navotas Sanitary Landfill, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Linggo, Mayo 10. Batay sa datos ng alas-12 ng tanghali, sinabi ng DENR na ang Air...
Maiingay na mufflers, pinipi sa Valenzuela
SINAKSIHAN ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, kasama si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, ang pagsira sa 287 pirasong open pipe muffler na nakumpiska sa mga motorcycle rider na lumabag sa Muffler Regulation Ordinance o Motorcycle Noise Ordinance ng Valenzuela City. Gamit ang pison at backhoe, pinasagasaan ang mga ito upang hindi na mapakinabangan....












