Home NATIONWIDE Pagpapababa ng gastusin sa liver transplant, tinatrabaho ng DOH, PhilHealth

Pagpapababa ng gastusin sa liver transplant, tinatrabaho ng DOH, PhilHealth

58
0

MANILA, Philippines – Nagtutulungan ang Department of Health at PhilHealth upang mapababa ang gastusin sa liver transplant sa bansa, ayon kay Health Secretary Ted Herbosa nitong Lunes.

Inihayag ito ni Herbosa kasabay ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng joint liver transplant program ng The Medical City at Rizal Medical Center sa Pasig City.

Ayon kay Herbosa, pinag-aaralan ng DOH at PhilHealth ang pagbibigay ng hanggang P2 milyong coverage para sa liver transplant sa ilalim ng Z Benefits package, na sumasagot sa matagalang gamutan para sa malulubhang sakit at malalaking operasyon.

“If we get that transplant, even the immunosuppression for kidney transplant is paid for by P40,000 a month,” ani Herbosa. “This will definitely help 144 patients a year.”

Ipinaliwanag ng kalihim na umaabot sa humigit-kumulang P5 milyon ang halaga ng liver transplant sa bansa kaya malaking tulong ang subsidiya upang mabawasan ang gastusin ng mga pasyente.

Sa The Medical City Center for Liver Health and Transplantation, nasa P2.4 milyon naman ang halaga ng liver transplant. Nakapagsagawa na ang ospital ng 30 liver transplant mula nang ilunsad ang programa noong 2011.

Sinabi rin ni Herbosa na may 466 na Pilipino ang naghihintay ng organ transplant noong 2025.

Layunin din ng DOH na palakasin ang organ donation program ng bansa sa pamamagitan ng pagpapabuti ng access sa organ transportation at pagtatatag ng Philippine Organ Donor and Recipient Registry System. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here