Pinas target mag-angkat ng tuna, sardinas, bangus sa Paraguay
MANILA, Philippines - SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na posible na mag-export ang Pilipinas ng tuna, sardinas, bangus at iba pang produkto sa Paraguay sa isinagawang bilateral meeting kasama si Paraguayan President Santiago Peña Palacios. Nauna rito, mainit na tinanggap ni Pangulong Marcos si Peña sa Palasyo ng Malakanyang para sa official visit ng huli. Dumating sa Pilipinas si...
2 negosyanteng ‘bigtime tulak’ timbog sa P2M tobats sa chocolate box
Bulacan – Arestado ang dalawang indibiduwal matapos umanong mahulihan ng ₱2,040,000.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Pulilan nitong hapon ng Mayo 10. Sa ulat ni PCPT Marc Henry SJ Gonzales, hepe ng DRT police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Odin”, 48, businessman, at alyas “Neneng”, 56, businesswoman, kapwa...
Solon pinaghihinay-hinay CHED sa pagbawas ng Gen Ed subjects
MANILA, Philippines - Nanawagan si Solid North Party-list Rep. Ching Bernos sa Commission on Higher Education (CHED) na pag-isipang mabuti ang panukalang alisin ang ilang subjects sa kolehiyo na nagtuturo ng critical thinking. Ang pahayag ay ginawa ni Bernos kasabay ng public hearing ng CHED ukol sa pagbabago sa General Education (GE) curriculum, kung saan balak bawasan ang mandatory units...
P18K dagdag-sahod sa doktor, limitadong work hours sa nars, isinusulong sa Kamara
MANILA, Philippines - Kasabay ng pagdiriwang ng Health Workers’ Day, isinusulong ni Quezon City 5th District Rep. PM Vargas ang dalawang panukalang batas na naglalayong itaas ang sahod ng mga doktor sa gobyerno at limitahan ang oras ng pagtatrabaho ng mga nurse upang masolusyunan ang malalang “brain drain” sa bansa. Ayon kay Vargas, panahon na upang unahin ng Pilipinas ang...
1.6-M Pinoy umahon sa kahirapan sa 4Ps
MANILA, Philippines - Mahigit 1.6 milyong pamilyang Pilipino na ang nakaahon mula sa kahirapan sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Lunes. Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, sa halos 18 taon ng pagpapatupad nito, mahigit 1.6 milyong pamilya na ang nakamit ang tinatawag na self-sufficiency. “Throughout its...
Antas ng tubig sa Angat Dam, bumaba sa minimum operating level
MANILA, Philippines - Bumaba na sa ilalim ng 180-meter minimum operating level ang water level ng Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes. Ayon kay PAGASA hydrologist Paolo Pamintuan, naitala ang water level ng dam sa 179.78 meters alas-6 ng umaga ng Mayo 11, mula sa 180.19 meters noong nakaraang...
Pinas, Paraguay tinintahan diplomatic training, visa-waiver agreements
MANILA, Philippines - TININTAHAN ng Pilipinas at Paraguay ang mga kasunduan ukol sa diplomatic training cooperation at visa-free travel, habang inaasahan naman ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng kanyang delegasyon sa Paraguay “in the near future.” Sa pagsasalita sa isang joint press statement sa Malacañang, inilarawan ng Pangulo ang byahe ni Paraguayan President Santiago Peña Palacios sa...
Palasyo nagkomento sa palit-liderato sa Senado
MANILA, Philippines - "The Senate has decided it's own leadership."Ito ang reaksyon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro matapos na magkaroon ng pagpapalit ng liderato sa Senado, araw ng Lunes, Mayo 11 matapos patalsikin sa puwesto ng 13 senador bilang Senate President si Vicente "Tito" Sotto III, at ipinalit si Senador Alan Peter...
P110M lotto jackpots, mailap sa mananaya
MANILA, Philippines - Walang nakasungkit ng jackpot prize sa major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Lunes ng gabi, Mayo 11, 2026. Walang nakahula sa winning combination na 19-21-39-41-38-44 para sa Megalotto 6/45 na may jackpot prize na P15 milyon. Samantala, umabot na sa P95,026,257.54 ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 matapos wala ring makatama sa winning combination...
2 namumuong bagyo, binabantayan ng PAGASA
MANILA, Philippines - Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes na binabantayan nila ang dalawang low-pressure areas (LPA), ngunit hindi umano inaasahang makaaapekto ang mga ito sa panahon sa bansa. Ang unang LPA ay ang dating Tropical Depression Caloy na nananatili sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Ayon sa weather specialist ng PAGASA...












