District supervisor ng public school, tinadtad ng bala ng 4 suspek
ZAMBOANGA SIBUGAY — Natukoy na ng mga awtoridad ang apat na persons of interest sa pagpaslang sa isang district supervisor ng pampublikong paaralan sa bayan ng Alicia, kung saan sinisilip ang posibleng kaugnayan ng krimen sa trabaho ng biktima. Kinilala ang biktima na si Rey Camaingking, 45-anyos, district supervisor ng Olutanga District, na binaril at napatay noong Abril 30, 2026...
Seguridad sa filling ng COC sa BARMM, hinigpitan ng PNP
MANILA, Philippines - Pinalakas ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kasabay ng patuloy na paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa 2026 parliamentary elections. Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ng PNP na dinagdagan ang police visibility sa mga pangunahing lugar at naglagay ng mga karagdagang checkpoint upang maiwasan...
Sa 7.2% inflation, TUCP humirit muli ng ₱200 taas-sahod at tax cuts
MANILA, Philippines - Tahasang nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para sa agarang pagpasa ng ₱200 legislated daily minimum wage increase at tax cuts para sa middle class sa gitna ng 7.2% inflation ngayong Abril, ang pinakamataas sa loob ng tatlong taon. Ayon sa TUCP, ang biglang pag-angat ng inflation mula sa 4.1% noong Marso ay lampas...
Brgy. secretary, asawa, timbog sa P.4M tobats sa Cagayan
BUGUEY, Cagayan - Umaabot sa mahigit kumulang na P455K halaga ng pinaniniwalaang shabu ang narekober sa pagsalakay ng mga awtoridad sa bahay ng barangay secretary at asawa sa San Juan, Buguey, Cagayan, kagabi. Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Marlou del Castillo, hepe ng Buguey Police Station, kay PBGen. Mariano Rodriguez, Regional Director ng Police Regional Office 02 o PRO2,...
Mas matibay na suporta sa cultural heritage, isinusulong ni Villar
PASAY CITY — Naghain si Senator Mark A. Villar ng panukalang batas na layong palakasin ang pangangalaga at proteksyon sa mga pamanang kultural at makasaysayan sa bansa sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang probisyon ng Republic Act No. 10066 o National Cultural Heritage Act of 2009. Ayon kay Villar, layunin ng panukala na tugunan ang matagal nang suliranin sa pangangalaga...
Mabanta, 4 pa kakasuhan ng robbery by extortion kay Romualdez – NBI
MANILA, Philippines - Sasampahan ng kaso ng robbery by extortion kaugnay ng umano’y paglabag sa Cybercrime Prevention Act si online media network founder Franco Mabanta at apat pang indibidwal matapos ang entrapment operation na may kaugnayan sa umano’y P300-milyong payoff demand kay dating House Speaker Martin Romualdez, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkules. Ayon kay NBI Director...
Bali Declaration mag-aangat ng kalidad ng sports sa Southeast Asia – Gregorio
BALI, INDONESIA— Gumawa ang Southeast Asia ng matapang na upang gawing propesyonal ang sporting landscape nito, kung saan pinagtibay ng mga pinuno ng rehiyon ang Bali Declaration on Youth and Sports at inilalahad ang mga plano upang iangat ang Southeast Asian Games (SEA Games) sa pandaigdigang pamantayan. Kasama sa inisyatiba ang paglikha ng mga bagong flagship competition tulad ng Southeast...
Tennis: Alex Eala todo paghahanda sa Italian Open
MANILA -- Naglaan ng isang oras at kalahati sa praktis ang Pinay tennis star na si Alex Eala sa Tennis Club Parioli, na nakipaglaro kay Laura Siegemund ng Germany bilang bahagi ng kanyang paghahanda para sa Italian Open. Kasama ni Eala sa court sina coach Joan Bosch at Lluc Bauza ng Rafael Nadal Academy. Ito ay isang mas tahimik na sesyon...
Pekeng DOTr chief na nanghihingi ng pera, ibinabala sa publiko
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) laban sa mga pekeng pribadong mensahe na nagpapanggap bilang Transportation Sec. Giovanni Lopez upang manghingi ng pera. Ayon sa advisory ng DOTr, ang mga pekeng mensahe ay ipinapadala gamit ang mga online messaging applications tulad ng WhatsApp. Giit ng DOTr, hindi kailanman nanghihingi ng pera o nagsasagawa ng opisyal na transaksyon sa...
NBA: Lakers hindi nakaporma sa Thunder sa Game 1
MANILA, Philippines - Kumamada si Chet Holmgren ng 24 points at 12 rebounds para pangunahan ang Oklahoma City Thunder sa 108-90 home win laban sa Los Angeles Lakers para buksan ang kanilang second-round playoff series kahapon. Nanatiling undefeated ang Thunder sa playoffs, nakakuha ng 1-0 na kalamangan sa serye matapos buksan ang postseason sa pamamagitan ng sweep ng Phoenix. Nagdagdag sina Shai...












