House Justice panel nakakita ng ‘probable cause’ para ma-impeach si VP Sara
MANILA , Philippines – Nagkaisang bumoto ang House committee on justice nitong Miyerkules upang kilalanin ang pagkakaroon ng probable cause para i-impeach si Vice President Sara Duterte batay sa dalawang reklamong inihain laban sa kanya. Ayon kay panel chairperson at Batangas Second District Rep. Gerville Luistro, lahat ng 53 miyembrong dumalo ay sumang-ayon at walang tumutol sa botohan. Nabuo ang desisyon...
7,615 ‘pasaway’ huli sa NCR sa 24 oras
MANILA, Philippines - Aabot sa 7,615 paglabag sa mga lokal na ordinansa ang naitala sa Metro Manila sa loob lamang ng 24 oras na pinaigting na operasyon ng pagpapatupad ng batas, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Miyerkules. Isinagawa ang operasyon mula 12:01 a.m. hanggang 11:59 p.m. noong Abril 28, 2026. “The operation was from 12:01 a.m. to...
Dagdag P1,000 sa honorarium ng mga guro sa Bangsamoro poll, inianunsyo ng Comelec
MANILA, Philippines - Magdaragdag ang Commission on Elections (Comelec) ng tig-isang libong pisong honorarium para sa mga guro na magsisilbi sa darating na Bangsamoro Parliamentary Elections. Aabot sa humigit-kumulang tatlong libong piso ang karagdagang matatanggap ng mga Electoral Board Members, Department of Education Supervisor Officials (DESO), at support staff, ayon kay Comelec Chairman George Garcia. Sinabi ni Garcia na layunin ng...
10,000 parak ipakakalat sa Cebu para sa seguridad ng ASEAN Summit
MANILA, Philippines - Aabot sa 10,000 personnel ang itatalaga ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) para tiyakin ang seguridad sa nalalapit na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at mga kaugnay na pulong sa Cebu sa susunod na linggo. Ayon kay PCol. Kim Molitas, tagapagsalita ng PNP-7 para sa ASEAN, kabilang sa deployment ang 4,000 mula sa...
Bigtime tulak nasakote sa higit P1M tobats
CAMP OLIVAS, PAMPANGA – Timbog sa mga awtoridad ang isang notoryosong High Value Drug suspect at nasabat ang nasa mahigit P1 milyon na halaga ng suspected shabu matapos makorner sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Capihan, San Rafael, Bulacan. Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez. Kinilala ang nadakip na suspek na isang 59-anyos...
Katotohanan sa likod ng impeachment vs VP Duterte, iginiit ni Luistro
MANILA, Philippines - Iginiit ni House Committee on Justice chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro na katotohanan at pananagutan ang dapat manaig sa huling impeachment hearing laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules. Sa kanyang opening statement, sinagot ni Luistro ang panawagan ng kampo ni Duterte na maging maingat ang komite sa mga hakbang nito. “Ang sabi ng kampo ng...
Nagtahan Link Flyover ininspeksyon nina Yorme, DPWH Sec. Dizon
MANILA, Philippines - Iniinspeksyon ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, kasama si Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, ang Nagtahan Link Flyover sa Pandacan, Manila noong Abril 29, 2026, kasunod ng mga ulat ng nawawalang steel railings na diumano’y ninakaw mula sa istraktura. Ang inspeksyon ay isinagawa para sa kaligtasan matapos ang mga insidente...
13-anyos na dalagita, natagpuang patay sa tubuhan sa NegOcc
MANILA, Philippines - Natagpuan ang bangkay ng isang 13-anyos na batang babae sa loob ng tubuhan sa Barangay Poblacion West, Candoni, Negros Occidental nitong Lunes, Abril 27, ayon sa pulisya. Ayon kay Police Capt. Leonel Adolacion, hepe ng Candoni Police, ipinag-utos ng ina ng biktima noong Linggo, Abril 26, na bumili ng yelo sa isang sari-sari store sa Barangay Haba,...
2 binatilyong nagviral sa pagnanakaw sa R10, nasa kostudiya na ng MPD
MANILA, Philippines - Dalawang out-of-school youths ang inaresto sa Tondo, Maynila matapos umanong magnakaw ng mga metal na bahagi mula sa chassis ng isang truck sa Isla Puting Bato, isang insidenteng naging viral sa social media, ayon sa Manila Police District (MPD). Kinilala ang mga suspek na sina alias “Den,” 18, residente ng Purok 3, Isla Puting Bato, at alias...
DEPDev: Walang taas-presyo sa pangunahing bilihin ‘gang May 10
MANILA, Philippines – Tiniyak ng pamahalaan sa publiko na mananatiling hindi magtataas ng presyo ang mga pangunahing bilihin at prime commodities hanggang Mayo 10, bilang bahagi ng hakbang na protektahan ang mga konsyumer mula sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pandaigdigang langis. Ayon kay Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Undersecretary Joseph Capuno nitong Miyerkules, ang...












