Gamit na mantika, maaaring gamitin sa paggawa ng biodiesel
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Archdiocese of Manila sa mga parokya nito na mangalap ng nagamit na mantika o used cooking oil upang iproseso at gawing biodiesel, kasabay ng patuloy na krisis sa langis dahil sa tensyon sa Middle East. Ayon sa Archdiocese, ang hakbang ay tugon sa inaasahang pagtaas ng pandaigdigang demand sa langis at tumataas na presyo ng...
Paratang ni Leviste sa minimum wage bicam report, pinabulaanan ni Recto
MANILA, Philippines - Itinanggi ni Executive Secretary Ralph Recto ang paratang ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may tawag umano siya na nakaapekto sa hindi pag-apruba ng bicameral conference committee report para sa umento ng minimum wage. Sa pahayag noong Linggo, mariing sinabi ni Recto: “Not true. He should pay what he owes govt. 24B.” Nauna rito, sinabi ni...
Manila frontliners pinag-iingat ni Yorme Isko sa matinding init
MANILA, Philippines - Nanawagan si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga kawani ng pamahalaang lungsod, lalo na ang mga frontliner na nagtatrabaho sa labas, na magdoble-ingat laban sa matinding init ng panahon matapos umabot sa 41°C ang heat index sa Metro Manila nitong Lunes, Abril 27. Sa kanyang talumpati sa flag-raising ceremony sa Manila City Hall, binigyang-diin ng...
PBBM: Serbisyo ng gobyerno tuloy kahit may energy emergency
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Ferdinand R. Marcos Jr. na tuloy-tuloy pa rin ang operasyon at serbisyo ng gobyerno sa kabila ng umiiral na national energy emergency. Sa kanyang vlog na inilabas noong Linggo, sinabi ng Pangulo na hindi maaaring maparalisa ang pamahalaan kahit may mga hamon sa suplay at presyo ng langis na dulot ng krisis sa Middle East. “Hindi...
Lacson: Mga senador dapat manatiling neutral sa posibleng impeachment trial
MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Panfilo Lacson ang kanyang mga kapwa senador na panatilihin ang pagiging patas at neutral kung sakaling umabot sa Senado ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Sa panayam, binigyang-diin ni Lacson na dapat iwasan ng mga senador ang pagkilos o pagsasalita na magmumukhang kampi sa prosekusyon o depensa. “We must understand that we should...
Opisyal ni Trump, target ng suspek sa pamamaril sa White House dinner
WASHINGTON, USA - Sinabi ng mga imbestigador na ang lalaking nagtangkang sumugod sa isang gala dinner na dinaluhan ni Donald Trump ay umano’y nagplanong targetin ang mga matataas na opisyal ng gobyerno ng US. Sa ulat, mabilis na inilikas si Trump ng United States Secret Service mula sa ballroom ng isang hotel sa Washington matapos magpaputok ang suspek, na agad...
Paglabas ng pagkakakilanlan ng mga imbestigador, kinondena ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Kinondena ng Office of the Ombudsman ang umano’y ilegal na pagkalat online ng mga pangalan ng kanilang mga imbestigador, at sinabing makikipag-ugnayan sila sa mga awtoridad para tukuyin ang nasa likod nito at magsampa ng kaso. Ayon sa ahensya, ang paglalantad ng mga identidad ay malinaw na tangkang pananakot at naglalagay sa panganib sa seguridad ng mga...
Pope Leo: Mga naglulunsad ng digmaan, “magnanakaw” ng kapayapaan
VATICAN - Tinuligsa ni Pope Leo ang mga nagsasagawa ng digmaan at umaabuso sa likas na yaman, na aniya’y parang mga magnanakaw na ninanakaw ang mapayapang kinabukasan ng mundo. Ginawa niya ang pahayag kasabay ng ika-40 anibersaryo ng Chernobyl disaster, habang ginugunita ito ng Ukraine sa gitna ng patuloy na digmaan laban sa Russia. Sa kanyang lingguhang Angelus address, sinabi ng...
Galaw ni Zaldy Co sa Europa, unti-unti nang nabubuo ng mga awtoridad – DOJ
PRAGUE, Czech Republic - Sinabi ni Department of Justice (DOJ) acting Secretary Fredderick Vida na unti-unti nang nabubuo ng mga awtoridad ang galaw ni dating kongresistang si Elizaldy Co sa Europa matapos ang paunang koordinasyon sa mga opisyal ng Czech Republic. Ayon kay Vida, nakakuha ang delegasyon ng Department of Justice (DOJ) ng “workable intel” na tumutulong para maunawaan kung...
Contingency plans sa landfill operators, hiniling ng DENR
MANILA, Philippines - Inatasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng sanitary landfill operators na magsumite ng contingency plan para sa emergency response, halos dalawang linggo matapos ang sunog sa Navotas Sanitary Landfill. Sa memorandum ng Environmental Management Bureau (EMB), binigyan ang mga operator ng 15 araw upang magsumite ng plano laban sa sunog at iba...












