Home METRO NLEX dadagdagan ng metal barriers

NLEX dadagdagan ng metal barriers

MANILA, Philippines- Sinabi ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation nitong Huwebes na maglalagay ito ng karagdagang gantries o metal barriers sa kahabaan ng toll roads nito upang maiwasang maulit ang bridge strike incidents.

Napinsala ang Marilao Interchange bridge nitong Miyerkules ng umaga matapos mabangga ng isang overheight truck ang istraktura—nagresulta sa pagsasara ng lane at mabigat na daloy ng trapiko.

“Pag-overheight, pinapa-divert sila. But this one ay lumusot po kasi doon sa hindi nila nabantayan na lane… Pagpasok po niya kasi dito sa Karuhatan Toll Plaza, hindi siya pumasok sa mga allotted for truck na lane. Pumasok siya sa Lane 2 kung saan wala rin pong harang na bakal,” paliwanag ni NLEX Traffic Management Head Robin Ignacio.

“Kaya ang ginagawa po namin ngayon naglalagay po kami ng gantry para pag ma-hit nila ‘yun, mas madaling sabihin na mataas talaga sila… Maging ‘yung magbabantay namin dadagdagan pa rin to ensure na wala nang lulusot,” dagdag niya.

“Mas maganda na i-orient nila, kung halimbawa, may bago na naman silang driver. Para wala pong mangyaring aksidente… Buti kung sila lang yung maperwisyo pero ito daan-daang motorista itong napeperwisyo e,” wika pa ng opisyal.

Ayon kay Ignacio, kailangang mag-ingat ng truckers kapag dumaraan sa Marilao Bridge, na aniya ay mas mababa kumpara sa iba.

“Isa ito sa mga pinakamababa na bridges dito sa NLEX, considering po na mga lumang bridges po kasi ito. Unlike sa SCTEX, talagang matataas po at compliant sila doon sa mga directives ni DPWH, yung parang vertical clearance guideline nila,” ani Ignacio.

“Years back meron na kaming coordination with DPWH (Department of Public Works and Highways) pero apparently tinuturo na may-ari ng bridge na yan is local government unit. Pero hindi naman po tinatanggap yata ni LGU kaya hindi pa kumbaga naa-upgrade in the sense na tataasan para mameet yung standard,” patuloy niya. RNT/SA