MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng expanded number coding scheme ngayong Miyerkules kasunod ng suspensyon ng klase at trabaho sa gobyerno sa National Capital Region (NCR).
“Suspendido na ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) ngayong araw, AGOSTO 28, kasunod ng anunsiyo ng Malacañang na walang pasok sa government offices at pasok sa lahat ng antas ng pampublikong paaralan sa Metro Manila dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon,” anang MMDA sa Facebook.
Inirekomenda ang class at work suspension sa NCR ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Base sa NDRRMC, ang suspensyon “will prevent any untoward incidents and will ensure the safety of the general public.”
Samantala, nakadepende naman ang suspensyon ng trabaho at klase sa mga pribadong kompanya at paaralan sa diskresyon ng kani-kanilang pinuno, base sa NDRRMC. RNT/SA