MANILA, Philippines – Suspendido ngayong araw, Nobyembre 11, 2024, ang expanded number coding scheme sa Metro Manila dahil sa inaasahang masamang panahon dulot ng Bagyong Nika.
“Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Lunes, Nobyembre 11, dahil sa inaasahang epekto ng Severe Tropical Storm #NikaPH,” saad sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa huling tropical cyclone bulletin ng PAGASA, nasa ilalim ng Signal No. 1 ang Metro Manila.
Inaasahang magla-landfall ang Bagyong Nika sa bahagi ng Isabela-Aurora ngayong araw. RNT/JGC