Home METRO Obrerong nakitulog sa kaibigan ‘di na nagising sa pamamaril

Obrerong nakitulog sa kaibigan ‘di na nagising sa pamamaril

218
0

MANILA, Philippines – HINDI na nagising ang isang construction worker matapos itong makitulog sa kanyang kaibigan nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin, madaling-araw ng Linggo, Hulyo 13 sa Barangay Manggahan, Dolores, Quezon

Kinilala ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa parte ng katawan mula sa hindi pa matukoy na armas na kaagad na binawian ng buhay sa pinangyarihan ng krimen na si Amel Fuensalida Ongray, 31, binata, construction worker, naninirahan sa nabanggit na lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente, dakong alas- 12:30 ng madaling-araw habang ang biktima na mahimbing na natutulog dahil sa matinding kalasingan makaraang makipag-inuman kung saan minabuting makitulog sa bahay ng kaibigan nito, nang bigla umanong makarinig ng putok ng baril ang may-ari ng bahay.

Napag-alaman na, natagpuan na lamang ang biktima na duguan at walang malay na nakahandusay, samantalang ang hindi nakikilalang suspek ay mabilis na tumakas matapos maisakatuparan ang pagpaslang sa nasabing construction worker.

Nagsagawa naman ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng Dolores Municipal Police Station para sa pagkakakilanlan ng suspek sa agarang ikadarakip ng tumakas na suspek na mahaharap sa kasong Murder. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here