Home METRO OccMin niyanig ng 2 lindol

OccMin niyanig ng 2 lindol

MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa Mamburao, Occidental Mindoro nitong Linggo ng gabi, ayon sa Phivolcs.

Naitala ang epicenter ng lindol 25km southwest ng Mamburao na may lalim na 21km, at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity IV sa Puerto Galera.

Naitala rin sa mga sumusunod na lugar ang instrumental intensities:

  • Intensity IV – Mamburao, Occidental Mindoro; Calapan City, Oriental Mindoro

  • Intensity III – Puerto Galera, Oriental Mindoro; Abra De Ilog, Occidental Mindoro

Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks matapos tumama ang nasabing lindol sa lugar ng alas-7:04 ng gabi, batay sa Phivolcs data.

Samantala, bandang alas-4 ng hapon sa parehong araw at lugar, nakapagtala ang Phivolcs ng magnitiude 4.7 na lindol, 31km southwest ng Mamburao, Occidental Mindoro.

May lalim itong 24km at tectonic din ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity IV sa Mamburao sa Occidental Mindoro at Puerto Galera sa Oriental Mindoro habang naiulat ang Intensity III sa Santa Cruz at Sablayan, Occidental Mindoro; Calapan City, San Teodoro at Baco sa Oriental Mindoro.

Nakapagtala ang Abra De Ilog at Paluan sa Occidental Mindoro; at Naujan sa Oriental Mindoro ng Intensity II mula sa nasabing lindol.

Samantala, naramdaman ang Intensity I sa mga bayan ng Gloria, Pinamalayan, at Socorro sa Oriental Mindoro; at Looc sa Occidental Mindoro. RNT/SA

Previous articleBALAT SA TINALUPAN NAGHALO SA CHA-CHA
Next articleEmmanuel Peralta itinalagang PNP OIC