Home METRO OFW tigok sa bigti

OFW tigok sa bigti

ILOCOS SUR- Tigok ang isang 38-anyos na OFW matapos magbigti sa bayan ng Narvacan ng lalawigang ito, umaga ng Sabado, Abril 13.

Ang naturang OFW na isang babae ay may asawa, residente ng naturang bayan.

Mismong ang kapatid nitong lalaki ang nakadiskubre sa biktimang may nakapulupot na extension wire sa leeg nito na nakabitin sa harapan ng back door ng kanilang bahay.

Agad nilang dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead-on-arrival ng umatending doktor.

Ayon sa kapatid nito, ang biktima ay natanggal sa trabaho nito sa Singapore matapos itong magpaalam na uuwi ng Pilipinas.

Hinihinalang dahil sa depression kaya nagpakamatay ang biktima. Rolando S. Gamoso