Inanunsyo ng International Olympic Committee (IOC) na tanging mga “biological females” na lamang ang papayagang lumahok sa women’s events simula sa 2028 Los Angeles Olympics, bilang bahagi ng malaking pagbabago sa kanilang patakaran sa gender eligibility.
Sa ilalim ng bagong polisiya, tutukuyin ang eligibility sa pamamagitan ng isang beses na SRY gene screening gamit ang saliva, cheek swab, o blood sample, kapalit ng 2021 rules na nagbibigay ng kalayaan sa bawat sports federation na magtakda ng sariling patakaran.
Ayon kay IOC President Kirsty Coventry, nakabatay ang polisiya sa siyensya at rekomendasyon ng mga medical expert, na binibigyang-diin ang fairness at kaligtasan sa kompetisyon.
“The policy we have announced is based on science and has been led by medical experts.
“So it is absolutely clear that it would not be fair for biological males to compete in the female category. In addition, in some sports it would simply not be safe.”
Sa bagong patakaran, hindi na papayagan ang transgender women at maaaring maapektuhan din ang mga atleta na may differences in sexual development (DSD). Tinanggap naman ito ng ilang international sports bodies na matagal nang nagpapatupad ng kahalintulad na polisiya.
Dumarating ang hakbang na ito bago ang Los Angeles Olympics at kasunod ng mga kontrobersiya hinggil sa gender eligibility sa mga nakaraang kompetisyon, kabilang ang 2024 Paris Games. RNT