Home NATIONWIDE Online gambling, bagong salot sa lipunan – CBCP

Online gambling, bagong salot sa lipunan – CBCP

205
0

MANILA, Philippines – Binalaan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya laban sa online gambling na tinawag nitong bagong salot.

Sa isang pahayag na nilagdaan ng CBCP President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, inilarawan ng grupo ng mga Pilipinong obispo ang online gambling bilang malalim at laganap na usaping moral na nagtatago sa libangan at teknolohiya.

Sinabi ng mga obispo na ang online gambling ay naging public health crisis na ikinumpara sa illegal drugs at iba pang addictions na hindi lamang nakakasira sa isang tao kundi pati na rin sa relasyon ng pamilya.

Hinimok ng mga obispo ang gobyerno na magpataw ng angkop na regulasyon sa online payment systems upang paghigpitan ang publiko, lalo na ang kabataan, mula sa paggamit ng online gambling.

Dapat umanong unahin ang kapakanan ng publiko at hindi ang pagsusulong ng sugal para kumita.

Samantala, nanawagan ang CBCP sa mga mananampalataya na magsalita laban sa online gambling at tulungan ang mga adik na makarekober. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here