Home HOME BANNER STORY Ospital para sa senior citizens, aprubado sa Senado

Ospital para sa senior citizens, aprubado sa Senado

244
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magtatatag ng Philippine Geriatric Center (PGC), isang espesyal na ospital para mapabuti ang serbisyong pangkalusugan ng mga nakatatandang Pilipino.

Ang panukala ay Senate Bill 1509 o Philippine Geriatric Center Act, na inakda at isinulong ni Sen. Risa Hontiveros.

Umaasa siyang agad itong magiging batas, lalo’t may bersyon na itong naipasa ng Kamara noong Disyembre 2025 at itinuring na prayoridad ng Legislative Executive Development Advisory Council.

Kasama rin ito sa legislative agenda ng Department of Health (DOH).

“It is about honoring our elders — our grandfathers and grandmothers who raised us, guided us, and kept our families close. It is about ensuring that they live longer, healthier lives with dignity and access to care,” aniya.

Ang PGC ay magiging isang espesyal na ospital na magbibigay ng abot-kaya at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga senior citizen.

Layunin din nitong palakasin ang nationwide geriatric health services katuwang ang DOH, mga lokal na pamahalaan, at iba pang sektor.

Kasama rin sa mandato ng PGC ang pagsulong ng pananaliksik sa mga sakit na kaugnay ng pagtanda, pagbuo ng mga pamantayan sa geriatric care, pagsuporta sa pagtatayo ng senior citizens’ wards sa mga pampublikong ospital, at pagbibigay ng pagsasanay sa mga health worker, social worker, at community volunteers.

May isinamang amyenda si Hontiveros upang matiyak na hindi magiging “white elephant” o walang silbing proyekto ang PGC.

Itinatakda rin ng panukala na ang pinuno ng PGC ay dapat lisensiyadong doktor na may sapat na karanasan sa geriatric care at pamamahala ng ospital. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here