Home NATIONWIDE Outgoing internal affairs service chief sinuspinde ng PNP

Outgoing internal affairs service chief sinuspinde ng PNP

MANILA, Philippines – Ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) ang six-month suspension na ipinataw ng Office of the Ombudsman laban sa hepe ng
Internal Affairs Service (IAS) dahil sa sexual harassment case.

Sa kautusan na may petsang Disyembre 1, at inilabas nitong Lunes, Disyembre 4, snabi ng PNP Directorate for Personnel and Records Management na suspendido si IAS Inspector General Alfegar Triambulo mula Disyembre 1, 2023 hanggang Pebrero 14, 2024.

“Considering that Atty. Triambulo is retiring from the service on Feb. 15, 2024, the remaining 106 days from Feb. 15, 2024 to May 30, 2024 is converted into fine and may be deducted from the retirement benefits, accrued leave credits or any receivable from the PNP,” saad sa kautusan.

Si Triambulo ay inakusahan ng sexual harassment at paglabag sa Safe Spaces Act na inihain sa Ombudsman noong Setyembre 5, 2022 ng empleyado ng IAS na si
Genevieve Lipana.

Inakusahan nito si Triambulo na inililipat siya sa iba-ibang unit na walang kaugnayan sa kanyang posisyon bilang human resource management officer at nagbibigay pa ng hindi magandang komento at alok na kung ano-ano.

Sa suspension order na may petsang Nobyembre 21, napatunayang “guilty” ni Ombudsman Samuel Martires si Triambulo sa administrative offenses ng grave misconduct at gross incompetence.

Ang IAS ay nagsisilbing institutional watchdog ng PNP na may kaugnayan sa pagdidisiplina, monitoring at imbestigasyon, maging ang pagpapanagot sa mga tiwaling pulis. RNT/JGC

Previous articleMas mahigpit na security measures, siniguro ng DND sa holiday season
Next articleKauna-unahang Tourist Rest Area sa Bohol, pinasinayaan ng DOT