Home OPINION P/GEN KRAFT SA CALABARZON?

P/GEN KRAFT SA CALABARZON?

NOON  pa ay siya na ang nababanggit nguni’t hindi  nakauupo, pero ngayo’y lumulutang na naman ang  pangalan bilang susunod na director ng Police Regional Office 4A.

Ang tinutukoy ko ay si P/BGen. Kirby John Kraft na napabalita noon na magiging CALABARZON police commander pagkatapos ng Southern Police District stint as director.

Pero imbes na PRO 4A ay itinalaga itong police director ng Region 13 o CARAGA region dahil ang tsismis ay malapit ito sa  nakaraang gobyerno kaya naudlot ang appointment?

 

Ang bagong balita ngayon, isinusulong  muli si Kraft – this time mula sa kampo ni Pangulong Bongbong Marcos  pero  ‘di pa matiyak kung siya na dahil may bulong brigade na iba ang minamanok.

Ang CALABARZON ay paborito ng bawa’t  senior official ng Pambansang Pulisya na maging ‘assignment destination’ kapag nabigyan ng pagkakataon.

Kung bakit?  Ang rehiyon kasi ay maituturing na ‘juicy position’  dahil dito’y umaagos ang salaping ipinamimigay ng vice lords kaya kumikita ang mga opisyal na naitatalaga rito.

Ito, marahil ang dahilan kaya mahirap matalagang PRO 4A director – pinag-aagawan ang CALABARZON dahil sa pagiging juicy position nito bilang assignment.

BELMONTE OUT, MALINAO IN SA BATANGAS

May bagong police director ng Batangas Provincial Police Office  sa katauhan ni P/Col. Jack Malinao – pumalit kay P/Col Samson Belmonte na umano’y sinibak dahil sa hindi masugpo- sugpong vice operation.

Si Malinao na dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group field office sa CALABARZON ay inaasahang ipagpapatuloy ang mandatong hindi  nagawa ni Belmonte.

Pero, dapat maging alerto si Malinao – silipin niya ang  isang nagpapakilalang ‘Adlawan’ na matagal nang gumagamit sa kanyang pangalan sa payola ‘kolektong’ activity.

Dahil kung ito’y kakaang -kaang sa trabaho at hahayaan lang si alyas Adlawan, aba’y matutulad din siya  kay Belmonte na nawalan ng puwesto kasi  natutulog sa pansitan.