Home METRO P12.69M tobats nasamsam sa Iloilo City; 69 suspek, naaresto sa 61 ops

P12.69M tobats nasamsam sa Iloilo City; 69 suspek, naaresto sa 61 ops

55
0

ILOILO, Philippines – Ayon sa Iloilo City Police Office (ICPO), umabot sa ₱12.69 milyon ang halaga ng hinihinalang shabu na kanilang nasamsam noong Mayo sa iba’t ibang anti-illegal drug operations sa Iloilo City.

Sa ulat ng ICPO, nagsagawa sila ng 61 operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 69 suspek at pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 1.86 kilo ng shabu.

Pinakamalaking nakuhang droga ay mula sa City Drug Enforcement Unit (CDEU) na umabot sa mahigit isang kilo na may halagang ₱7.34 milyon, kasabay ng pagkakaaresto ng 10 katao.

Sa mga naaresto, 19 ang itinuturing na high-value individuals habang 50 naman ang street-level suspects.

Ayon kay ICPO Director Col. Wilbert Parilla, naging matagumpay ang kampanya dahil sa suporta ng komunidad at patuloy na kooperasyon ng publiko.

Sinabi rin niya na nananatiling “manageable” ang sitwasyon ng iligal na droga sa lungsod dahil sa tuloy-tuloy na operasyon laban sa mga sangkot, lalo na sa mga high-value targets. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here