Home METRO P124M droga nasabat ng NCRPO mula Enero ‘gang Pebrero 15

P124M droga nasabat ng NCRPO mula Enero ‘gang Pebrero 15

MANILA, Philippines – Nasabat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang P124 milyong halaga ng ilegal na droga sa pinaigting nitong operasyon mula Enero 1 hanggang Pebrero 15 ngayong taon.

Ayon kay Brig. Gen. Anthony Aberin, kinumpiska ng NCRPO ang 15.26 kg ng shabu (PHP103.79M), 146.77 kg ng marijuana (PHP17.61M), at iba pang ipinagbabawal na substance na lagpas PHP2M. Mahigit 1,867 drug suspects ang kakasuhan sa ilalim ng Republic Act 9165.

Bukod dito, 1,996 na wanted na indibidwal ang naaresto sa pinaigting na manhunt at cyber-patrolling operations. Samantala, 285 katao ang nahuli dahil sa paglabag sa election gun ban, at 293 baril ang nakumpiska.

Ipinagmamalaki ni Aberin na walang naitalang election-related na insidente, patunay ng epektibong seguridad ng NCRPO. Santi Celario