Home METRO P18.1M marijuana winasak sa Benguet

P18.1M marijuana winasak sa Benguet

CAMP FLORENDO, La Union – Sinira ng mga awtoridad ang mga fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P18.1 milyon sa isinagawang operasyon ng eradication sa mga hangganan ng Sugpon, Ilocos Sur, at Kibungan, Benguet nitong Linggo, Setyembre 22.

Ang operasyon na tinawag na Indica Bravo ay isinagawa ng 1st Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Benguet at Kibungan Municipal Police Station (MPS).

Ang plantasyon ay aksidenteng nadiskubre sa isang routine patrol ng ISPMFC. Ito ay tinatayang may kabuuang lawak na 7,500-square meters.

Sinira ang 90,000 fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P18 milyon at 4,000 marijuana seedlings na nagkakahalaga ng P160,000.

Pinuri ni Police Brig. Gen. Lou F. Evangelista, hepe ng Police Regional Office-1, ang mga operating unit para sa kanilang tagumpay at pinaalalahanan sila na unahin ang kanilang kaligtasan at ng komunidad sa kanilang mga tungkulin. RNT