Home METRO P20.8M tobats nakumpiska sa buy-busts

P20.8M tobats nakumpiska sa buy-busts

CEBU CITY- Nakumpiska ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20.8 milyon sa buy-bust operations na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA-7) sa Lapu-Lapu City at sa lungsod na ito nitong Huwebes.

Nadakip ng PDEA-7 kasama ang mga tauhan ng Naval Forces Central and Lapu-Lapu City Police Office ang isang 26-anyos na lalaki sa Sitio Kadulang, Barangay Marigondon, Lapu-Lapu noong Martes ng hapon.

Nakuha mula kay Mark NiƱo Caliniahan, taga-Tagbilaran City, Bohol, ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng shabu na may estimated value na P13.6 milyon.

Sinabi ni Leia Alcantara, information officer ng PDEA-7, inabot umano ng isang buwan ang case build-up bago nakorner ang suspek.

Ani Alcantara, sinimulan ng PDEA-7 ang pag-monitor kay Caliniahan matapos siyang tukuyin ng naarestong drug suspect bilang pinagkukunan umano ng ilegal na droga.

Wika niya, nagrerenta si Caliniahan ng isang boarding house sa Lapu-Lapu sa kanyang illegal drug operation.

Nakapagbebenta ang suspek ng kilo ng shabu kada linggo.

Samantala, kalaboso rin ang dalawa pang indibidwal na nakuhanan ng mahigit isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P7.2 milyon sa Barangay Sawang Calero sa lugar na ito.

Halos dalawang buwang minanmanan ang mga suspek na sina Isabel Rogodos Abellana, 37, at Ariel Rey Sab Baclay, 38, mga residente ng Talisay City, Cebu bago sila nadakip, batay kay Alcantara.

Tinatanggap umano ni Abellana ang kanyang supply ng ilegal na droga sa pamamagitan ng isang preso sa Cebu City Jail. RNT/SA