MANILA, Philippines – OPISYAL nang pinagulong ng Department of Agriculture (DA) regional office sa Tacloban City ang “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” program sa dalawang bayan ng Leyte province sa layuning matiyak ang murang bigas para sa publiko.
Tinatayang 1,500 pamilya sa bayan ng Palo na nabibilang sa vulnerable sectors ang makikinabang sa panahon ng pag-rollout ng programa. Kabilang sa mga benepisaryo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, solo parents, senior citizens, persons with disabilities, Indigenous People, mga magsasaka at mangingisda.
Sa bayan ng La Paz, may 1,000 benepisaryo ang may accessed sa abot kayang halaga ng bigas.
Ang bawat benepisaryo mula sa dalawang bayan ay pinapayagan na bumili ng hanggang 10 kilograms ng biga sa subsidized price na P200 o P20/kg.
“This (rollout) aims to provide the Filipino families, especially those in the marginalized sector, access to affordable and locally produced rice, which can help in the department’s battle cry for food security,” ang sinabi ni Jenny Lyn Almeria, DA regional technical director for operations.
“The program will be launched in other provinces and municipalities in the region in the coming weeks,” dagdag na wika nito.
Kung matatandaan, ang bigas ng gobyerno ay mabibili sa halagang P33/kg, subalit kaagad na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensiya ng gobyerno na ibenta ang bigas sa halagang P20 sa ilalim ng tinatawag ngayong BBM Na program na inilunsad noong May 1, 2025.
Ang DA, sa pamamagitan ng Food Terminal Incorporated and local government units, nagbibigay ng subsidy upang pahintulutan ang National Food Authority na magbenta ng bigas sa halagang P20/kg. Kris Jose