Home OPINION P20 KILONG BIGAS MALAKING KALOKOHAN

P20 KILONG BIGAS MALAKING KALOKOHAN

ANG Pilipinas na walang kakayahang mag-imbak ng tone-toneladang bigas na kinakailangan ng taumbayan, lalo kapag panahon ng tag-ulan o bagyo, ngayon ang gobyerno ay magbebenta ng P20 kada kilo.

Sabi nga, ito ay malaking kalokohan. At isang malaking kagaguhan. Sa totoo lang, ang polisiyang P20 kilong bigas ay pagpapakita ng pagkadesperado ng gobyernong Bongbong Marcos. Ito ay isang cover-up sa pagkabigo ng administration na iimplementa ang ‘price cap’ sa bigas at sa iba pang pangunahing bilihin.

Hanggang ngayon kasi, walang malinaw na paliwanag na ibinibigay ang gobyerno kung anong klaseng himala o kung anong madyik ang kanilang gagawin para makapagbenta ng P20/kilong bigas sa “ilang piling lugar.”.

Batay sa domestic palay prices, ang P20 kada kilong bigas ay sadyang napakaimposible. Isa talagang malaking panloloko o pambobola sa mga mahihirap na mamamayan.

Sinomang nakaisip nito ay niloloko lang din si Pangulong BBM. Kung ito ang naisip nilang paraan para isalba ang Presidente dahil nawawalan na ng tiwala ang nakararaming Pilipino sa kanya ay isang malaking pagkakamali.

Hindi na nila mabubudol ang sambayanang Pilipino.