Nilinaw ng Philippine Ports Authority (PPA) na hindi ang port congestion ang rason kung bakit mataas ang presyo ng bigas sa merkado.
Ang utilization rate ng yarda ngayon ayon kay PPA General Manager Jay Santiago sa Port of Manila bukod sa MICT at South Harbour ay nasa 70 hanggang 72 percent lamang.
Katunayan aniya, nasa halos 500 container ng bigas na handa nang ilabas o naghihintay na lamang na i-pull out ng mga consignees ang nanatiling naka-imbak sa Manila International Container Terminal (MICT).
Sa bawat isang container ay naglalaman ng halos 540 sako ng imported na bigas,ayon pa kay Santiago.
Habang sa South Harbour ay mayroon namang 21 containers.
Kung pagsasamahin ang mga nakatenggang container sa terminal ng Port of Manila ay aabot ito sa P24 milyong kilos na ng imported na bigas.
Sinabi ni Santiago na karamihan sa mga containers ay mahigit 275 days na, at for release na pero hindi pa rin inilalabas.
Nangangahulugan lamang ayon kay Santiago base sa kanilang pag-aanalisa na ang karamihan sa mga consignee ay naghihintay lamang na tumaas ang presyo ng bigas sa merkado.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)