Home METRO P27M shabu nasamsam sa Negros, HVI arestado

P27M shabu nasamsam sa Negros, HVI arestado

BACOLOD CITY-LAGLAG sa mga awtoridad ang pinaniniwalaan notoryus na tulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng P27.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang drug buy-bust operation, kahapon, Abril 9 sa bayan ng Sibulan.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa pangalan Eljin, 50, at residente ng Bais City, Negros Oriental.

Ayon sa pulisya, inilatag ang operasyon laban sa suspek noong Miyerkules Abril 9, 2025, sa Barangay Maslog, ng nasabing bayan.

Nakuha sa suspek na isang high-value individual ang apat na kilo ng shabu na aabot sa halagang P27.7 milyon.

Sinabi ng pulisya na ang suspek ay nahuli kasunod ng impormasyon ng pagmamasid tungkol sa kanyang mga ilegal na aktibidad.

Kamakailan ay nahuli din ang isang drug dealer sa Barangay Bantayanon, Calatrava, Negros Occidental at nakunan ng P13.6 milyon halaga ng shabu.

Sinabi ni Police Col. Ronan Claravall, hepe ng Negros Oriental police, inaalam na nila ang pinagmulan ng mga iligal na droga ng mga nahuling suspek. Mary Anne Sapico