Home NATIONWIDE Patay sa pagbagsak ng bubong ng nightclub sa Dominican Republic, sumampa na...

Patay sa pagbagsak ng bubong ng nightclub sa Dominican Republic, sumampa na sa 221

DOMINICAN REPUBLIC – Bumagsak ang bubong ng isang kilalang nightclub sa Dominican Republic habang idinadaos ang isang concert.

Dahil dito ay umabot sa 221 ang nasawi at nagpapatuloy pa rin ang recovery efforts sa posible pang mga nawawala.

Noong nakaraang linggo ay nagtipon-tipon ang mga politiko, atleta, at iba pang kilalang local figures sa Jet Set Club sa Santo Domingo para sa concert ng merengue singer na si Rubby Perez.

Kalaunan ay nangyari na ang ‘tragic event’ nang bigla na lamang gumuho ang bubong ng nigh club.

“This is the hardest task I’ve had in my 20 years of leading the COE,” ayon kay Juan Manuel Mendez, pinuno ng emergency operations center (COE) ng Dominican Republic.

Nasa 200 survivor ang nasagip ng emergency teams noong Martes.

“Rescuers have practically finished sweeping ground zero. There’s just a small area left to look over,” ani Mendez.

Kabilang si Perez, ang naturang singer, sa mga nasawi sa trahedya. RNT/JGC