Home HOME BANNER STORY P35/kilong bigas ibebenta sa ilalim ng food security emergency

P35/kilong bigas ibebenta sa ilalim ng food security emergency

MANILA, Philippines- Pwede nang bumili ang mga consumers ng bigas sa halagang P35 kada kilo kasunod ng deklarasyon ng food emergency sa bigas.

Iyon nga lamang, ito ay magdudulot ng pagkalugi sa National Food Authority (NFA) ng hanggang P2.25 bilyon dahil ipagbibili ito sa mas mababang presyo kaysa sa presyo ng pagkakabili ng suplay.

Ayon kay NFA Department Manager Roy Untiveros, ipalalabas ng ahensya ang stocks nito, well-milled rice, ng hanggang tatlong buwan sa local government units (LGUs), government-owned and -controlled corporations (GOCCs), at Kadiwa ng Pangulo (KNP) sites sa halagang P33 per kilo.

Kumpara sa actual buying price ng NFA noong 2024, ipinagpapalagay ng NFA na ang pagkalugi kada kilo ay P12 hanggang P15. Nakatakda namang magpalabas ang ahensya ng 150,000 metric tons sa loob ng anim na buwan, ito ay katumbas ng kabuuang pagkalugi na P2.25 bilyon.

Sinabi ni Untiveros na nagpadala na ng liham ang NFA sa LGUs para itatag ang demand, magiging basehan ng monthly allocation sa mga lugar, subalit hindi pa nakatatanggap ng tugon.

Ito’y matapos na ideklara ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., araw ng Lunes ang food security emergency sa bigas base sa rekomendasyon mula sa National Price Coordinating Council (NPCC), tinukoy ang mataas na presyo kahit pagkatapos na bumaba ang ‘cost of production’ at mas mababang taripa sa imported rice.

Ang stocks ay ipalalabas sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI), at pagkatapos ay ibebenta sa publiko sa halagang P35 kada kilo, kabilang sa “cheapest available” habang hangad ng pamahalaan na mas mababa ang presyo ng bigas sa level na nakitang pagsirit na naitala noong Hunyo at Hulyo 2023.

“Ito po ay suggested to be sold to the public by the LGUs at P35 (per kilogram). Hopefully ito po ay magkaroon ng epekto sa pagbaba ng presyo ng bigas sa ngayon,” ang sinabi ni Untiveros sa briefing sa Quezon City.

Base sa pinakabagong data na available mula price monitoring ng DA, makikita na ang presyo sa Metro Manila markets ay mula P41.24 hanggang P59.14 per kilo “as of February 1,” habang ang Kadiwa prices ay P38.00 per kilo.

Kinukumpara ito sa P36.00 hanggang P60.00 per kilogram range na naitala noong May 31, 2023, bago pa ang pagtaas na naitala noong Hunyo at Hulyo 2023. Kris Jose