Home METRO P39M ismagel na yosi nakumpiska sa Zambo City

P39M ismagel na yosi nakumpiska sa Zambo City

162
0

ZAMBOANGA CITY- Nasabat ng mga pulis ang puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P39 milyon mula sa tatlong kalalakihan sa isang operasyon sa lugar na ito nitong Biyernes.

Naharang ng mga awtoridad ang kontrabandong ibinababa mula sa isang motorboat, ang M/L J-Minda, sa Lig Marine Port sa Barangay Campo Islam.   

Lumabas sa initial inventory na ang cargo ay 642 cases ng puslit na sigarilyo na may market value na P36.786 milyon.

Itinurn-over na ang kontrabando sa Bureau of Customs at dinala sa BOC warehouse sa Barangay Baliwasan.

Nahaharap naman ang tatlong arestadong crew members sa mga kaukulang kaso. Dalawa sa kanila ay mula sa lalawigan ng Sulu habang isa ay galing sa Tawi-Tawi province.

Napag-alaman ng mga awtoridad ang ilegal na operasyon mula sa sumbong ng isang informant. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here