Home NATIONWIDE P6.614B infra, agri damage sa Habagat, 3 bagyo – NDRRMC

P6.614B infra, agri damage sa Habagat, 3 bagyo – NDRRMC

1
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG aabot na sa P6.614 billion ang naging pinsala sa imprastraktura at agrikultura at mahigit sa anim na milyong katao ang apektado dahil sa Habagat at mga nagdaang bagyong Luis, Maymay, at Neneng, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa situation report ng NDRMMC, araw ng Linggo, Agosto 23, ang estimated cost ng pinsala sa imprastraktura ay P4,887,870,851.63 habang agrikultura naman ay P1,726,292,918.05.

Sa ngayon, may 2,324 ang napinsalang bahay at 1,104 naman ang napinsalang imprastraktura.

Ang cost of damage sa livestock, poultry at pangisdaan ay P24,085,755.

May kabuuang 89 lungsod at munisipalidad ang isinailalim sa state of calamity.

Nakaapekto naman ang weather disturbances sa 50,023 magsasaka at mangingisda.

Samantala, tinuran ng NDRRMC na may 6,913,577 katao o 2,015,897 pamilya ang apektado ng multiple weather disturbances.

Ang mga apektadong indibiduwal ay matatagpuan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, National Capital Region, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Samantala, may 29 katao naman ang nasawi kung saa lima ang kumpirmado.

Mayroon namang 17 indibiduwal ang nasugatan. May 11 ang kumpirmado habang anim na iba pa ang nananatiling bina-validate.

Bina-validate rin ang ulat na may dalawang indibiduwal ang nawawala.

Idagdag pa rito, may 105,523 katao ang na-displaced ng masamang panahon kung saan 42,422 indibiduwal ang nakahanap ng temporary shelter sa loob ng evacuation centers at 63,101 iba pa ang nasa labas ng evacuation centers.

Iniulat din ng NDRRMC na may 2,324 napinsalang mga bahay sa Ilocos Region, CAR, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Western Visayas. Sa nasabing bilang, may 2,058 ang partially damaged habang 266 iba pa ang totally damaged.

Samantala, namahagi naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit sa P1 bilyong halaga ng humanitarian assistance sa mga apektadong indibiduwal ng malupit na lagay ng panahon. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here