Home METRO P6.8-M shabu nasabat sa Butuan City buy-bust

P6.8-M shabu nasabat sa Butuan City buy-bust

BUTUAN CITY – Nakumpiska ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon at naaresto ang dalawang tulak ng droga sa buy-bust operation dito nitong Lunes, Marso 4.

Kinilala ng Police Regional Office-13 ang mga suspek na sina Jun, 44, at Noynoy, 47. Narekober din sa mga suspek ang P100,000 cash at mga drug paraphernalia.

Sinabi ni PRO-13 Director Police Brig. Gen. Kirby John B. Kraft ang mga operating unit para sa kanilang tagumpay.

Sinabi rin ni PRO-13 Regional Public Information Office (RPIO) chief Police Major Jennifer S. Ometer na nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek. RNT

Previous articleMag-ina natusta sa nasunog na bahay
Next articleP500K alok sa tipster sa tserman killer sa Leyte