Home METRO Mag-ina natusta sa nasunog na bahay

Mag-ina natusta sa nasunog na bahay

DIPOLOG CITY-NATUSTA ng buhay ang 16-anyos na ina at 6 na araw pa lamang nitong sanggol matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay, Linggo sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Lyza Jamindang Dumiande, 16 at kanyang sanggol, at residente ng Purok Tipo sa Barangay Sicayab, isang liblib na pook sa Dapitan City.

Batay sa report ng Dipolog City Police Office, naganap ang sunog madaling-araw ng Linggo habang nasa laot ang mangingisdang asawa ni Dumiande na si Bernabe Cadano, 20-anyos, ng nasabing lugar.

Dahil sa liblib ang lugar hindi agad nirespondehan ng mga pamatay-sunog at pagdating sa nasabing lugar abo na lamang ng bahay ang kanilang naabutan at sunog na bangkay ng mag-ina.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog. /Mary Anne Sapico

Previous article2 suspek na sangkot sa pamamaril sa pulis Makati, nalambat
Next articleP6.8-M shabu nasabat sa Butuan City buy-bust