Home METRO P6.84M kush nasabat ng BOC-NAIA

P6.84M kush nasabat ng BOC-NAIA

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang mga parcel na naglalaman ng mahigit P6 milyong halaga ng high-grade marijuana o kush sa Pasay City.

Sa pahayag nitong Sabado, Setyembre 14, sinabi ng BOC na naharang ng mga operatiba mula sa Port District ng NAIA, sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang apat na parcel na naglalaman ng 4,877 gramo ng kush sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City noong Setyembre 12.

Nagkakahalaga ng aabot sa P6,839,560 ang mga nasamsam na marijuana.

Nakuha rin dito ang pitong vape cartridges na naglalaman ng cannabis oil na nagkakahalaga ng P11,760.

Nasa kustodiya na ng PDEA ang mga nakumpiskang marijuana, at ang mga consignee ay nakatakdang imbestigahan na posibleng maharap sa mga reklamong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act). RNT/JGC