MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ng Malacañang ang magandang resulta ng pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey na nagpakita na nakatanggap ng “good” +40 net satisfaction rating ang administrasyong Marcos noong Hunyo.
“While we are elated by this validation of our hard work, we view it more as a challenge to do even better,” saad sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO).
“Indeed, positive ratings always encourage us, but we remain focused on improving the key metrics that fulfill our promises to the people,” dagdag pa.
Ang pinakahuling SWS survey ay mas bumuti mula sa “moderate” +29 na nakuha noong Marso, ngunit bumaba mula sa “excellent” na +52 noong Disyembre 2023.
Isinagawa ang survey mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, na nagpakitang 62% ng mga Pinoy ang masaya sa trabaho ng pamahalan, 15% ang “neither satisfied nor dissatisfied,” at 22% ang hindi masaya sa performance ng pamahalaan.
“We take the high road in our efforts, not merely to seek popularity, but to render genuine and effective service that improves our people’s lives, strengthens our nation and secures our future,” ayon sa PCO.
“More than the results of any opinion poll, this is the true reward and reaffirmation we seek,” dagdag pa. RNT/JGC