Home NATIONWIDE P6.85M ‘bato’ nasabat sa NAIA

P6.85M ‘bato’ nasabat sa NAIA

148
0

MANILA, Philippines – Narekober ng mga anti-narcotics agents ang P6.85 milyong halaga ng shabu sa NAIA at naaresto ang 28 anyos na babaeng consignee na may alyas na “Ruth.”

Nakatago ang droga sa isang parsela na nakasaad na “lady’s wear and bags” mula sa Ontario, Canada.

Sa inspeksyon, nakita ng mga awtoridad ang tinatayang isang kilo ng shabu na nakabalot sa plastik at foil.

Iginiit ng suspek na hindi niya alam ang nilalaman ng parsela. Nakumpiska rin ang ilang pekeng ID at isang cellphone.

Haharap siya sa kaso ayon sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here