Home HOME BANNER STORY “Mt. Kamuning” footbridge pinagigiba ni PBBM

“Mt. Kamuning” footbridge pinagigiba ni PBBM

199
0

MANILA, PHilippines – Inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tibagin ang tinaguriang “Mt. Kamuning” footbridge sa Quezon City dahil sa sobrang taas at mga isyu sa kaligtasan.

Ang footbridge na itinayo noong 2018 ng MMDA ay kasing taas ng apat hanggang limang palapag at pinuna dahil mahirap gamitin, madilim sa gabi, madulas tuwing tag-ulan, at nanginginig.

Ang bagong footbridge ay mas mababa, magkakaroon ng elevator, at ilalagay sa EDSA Bus Carousel Kamuning Station para mas madaling ma-access.

Inaasahang magsisimula ang konstruksyon ngayong taon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here