Home METRO P6.8M iligal na droga narekober sa Laguna

P6.8M iligal na droga narekober sa Laguna

67
0

MANILA, Philippines – DALAWANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang inaresto kabilang ang isang negosyante sa isinagawang buy-bust operation makaraang makumpiskahan ng 1,000 gramo na nagkakahalaga ng P6.8 milyon nitong Martes, Mayo 19, sa Barangay Sto Tomas, lungsod ng Biñan, Laguna.

Ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 26, Article II ng RA 9175 na kapwa nakilala sa mga alyas Boss A, 46, businessman, at alyas Gary, 30, pawang residente ng Multi-National Village, Parañaque City.

Batay sa report na isinumite kay PBGen. Hansel M. Marantan Regional Director ng PRO4 CALABARZON, dakong alas-2:40 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Regional PNP Drug Enforcement Unit4A, Regional Special Operations Unit4A, Regional Intelligence Division4A, Laguna Police Provincial Office Intelligence Unit, Biñan Component City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency 4A sa pamamagitan ng Buy-Bust Operation kung saan kabilang umano ang mga suspek sa High Value Individual hinggil sa pagpapakalat ng ilegal na droga.

Napag-alaman na inaresto ang dalawang suspek sa isang gasoline station kung saan isinagawa ang transaksyon matapos umanong magpanggap na buyer ang isang operatiba na humantong sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang isang kraft paper zip lock stand up pouch na naglalaman ng humigit kumulang sa 1,000 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang may standard price na nagkakahalaga ng P6,800,000.00 kung saan nabawi sa mga suspek ang ginamit na drug buy-bust marked money.

Nabatid sa ulat na gumamit ang mga awtoridad ng alternative recording devices sa isinagawang buy- bust operation para matiyak ang transparency, integridad at wastong dokumentasyon sa isinagawang operasyon.

Samantala, pinuri ni PBGen Hansel M Marantan, Regional Director PRO CALABARZON ang mga operatibang nagsagawa ng matagumpay na operasyon at binigyang-diin ang patuloy na pinaigting na kampanya ng PRO CALABARZON laban sa ilegal na droga alinsunod sa Focus Agenda ni Chief PNP Gen Nartatez Jr., para sa mas agresibo at intelligence-driven na law enforcement operations.

“Isang malaking tagumpay at tunay na maipagmamalaki ang accomplishment na ito. Sa pamamagitan ng matibay na koordinasyon at pagtutulungan ng mga operatiba mula sa iba’t ibang unit ng PNP at ng PDEA, matagumpay nating naaresto ang mga High-Value Individuals at nakasamsam ng malaking halaga ng ilegal na droga na sana’y makapipinsala sa ating mga komunidad,” ayon kay PBGen Marantan.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa tanggapan ng Forensic Unit 4A sa lungsod ng Calamba, Laguna para sa isasagawang Laboratory Examination kung saan ang dalawang suspek ay kapwa nasa kustodiya ng RPDEU 4A sa Calamba City, Laguna. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here